“Two-faced cat” mula sa Thailand, kinagigiliwan ng publiko!

Marami na tayong nababalitaan na mga magaganda at kakaibang uri ng hayop sa iba’t-ibang panig ng mundo. Talaga namang nakakatuwa at pambihira ang mga ganitong klase ng balita.

Sinong mag-aakala na kahit pare-pareho namang may ganitong klase ng mga hayop sa maraming bansa ay maaari pa rin palang magkaroon ng malaking pagkakaiba sa pagitan nila? Dahilan upang hangaan at kagiliwan talaga sila ng maraming mga tao.

Kilalanin natin si Chimera. Siya ang popular na pusa mula sa Thailand. Talaga namang nabiyayaan siya ng isang natatanging katangian na talagang tatak sa sino mang makakakita sa kaniya.

Isa raw sa mga katangian ng pusa na ito ay ang pagiging malambing nito at dahil dito ay maraming mga netizens ang talagang nagkaroon ng interes sa kaniya. Noong una, ang pangalan daw talaga nito ay “Cat”.

Dahil ayon sa kaniyang amo; “Cats call themselves cats,” kung kaya naman walang rason upang tawagin pa sila sa ibang pangalan. Ang paboritong laruan daw ni Cat ay toilet paper.

Talaga namang halos mabaliw na ito kakalaro sa mga toilet paper sa kanilang bahay. Kakaiba ang mukha na ito ni Cat at talagang natatangi ayon na rin sa mga taong nakakita na sa kaniya.

Marahil ay resulta raw ito ng “genetic chimerism” na mula sa pinagsamang mga “fertilized eggs”. Dahil sa dalawang kulay ng kaniyang mukha ay talagang nakilala siya unti-unti sa social media.


Ayon sa nagmamay-ari kay Cat na si Eve, isinilang siya noong ika-23 ng Agosto taong 2018. Sa ngayon ay naninirahan sila sa hilagang silangang bahagi ng Thailand.

“She is half Persian and half Scottish,” said Eve, but what’s striking about the cat is her split colored face in white and grey. “I think she looks like Harvey Dent from Batman,” Komento ni Eve.
Talaga namang mapalad rin si Cat dahil mayroon siyang mapagmahal na amo sa katauhan ni Eve.