Isang rescued dog na ginagamit sa “street fight” ng kaniyang amo, naiyak nang bigyan ng higaan ng pamilyang umampon sa kaniya

Isang rescued dog na ginagamit sa “street fight” ng kaniyang amo, naiyak nang bigyan ng higaan ng pamilyang umampon sa kaniya

Aakalain mong ordinaryong aso lamang ang Pitbull Terrier na si Manchas ngunit marami na pala itong napagdaan noon. Ang dati niya kasing amo ay ginagamit siya sa mga “street fight” at ginugutom.

Naging dahilan din ang kanilang kapabayaan upang siya ay magkaroon ng malalang sakit sa balat. Kung ihahalintulad mo siya sa isang tao, marahil ay sumuko na rin ito at umayaw na sa buhay.

Ngunit nabigyan pa siya ng isang pagkakataon dahil mayroong mabuting pamilya na nag-ampon sa kaniya. Nang isang beses na bigyan siya ng mga ito ng maayos na matutulugan ay talagang naging emosyonal si Manchas.

Wala na kasi ang mga araw na sobrang mainit, sobrang malamig, at maraming insekto sa kaniyang katawan. Marahil ay labis labis ang maririnig mong pasasalamat mula sa kaniya kung nakapagsasalita lamang ito.
Ayon kay Abigail Castro, nagpunta sa kanilang bahay ang asong ito nang mag-isa. Marami daw itong pasa at maduming madumi ang hitsura – halatang hindi ito naaalagaan ng maayos.

Dahil dito ay nagdesisyon si Abigail na dalhin ito sa doktor upang mapasuri at mapatingnan ang kaniyang kalagayan. Isang concerned citizen na hindi na nagpakilala ang nagsabi sa kanilang isa sa kanilang mga kapitbahay ang nagmamay-ari dito at palagi raw ginagamit ang aso sa mga “street fight”.

Dahil sa walang may nais na kumupkop at magmalasakit sa aso kung kaya naman siya na ang nagkusang-loob. Hindi akalain ng asong ito na mayroon pa palang tutulong sa kaniya. Isang araw ay nakatanggap pa ng isang maayos at magandang higaan si Manchas sa kauna-unahang pagkakataon.

Dahil dito ay hindi na niya naiwasan pang maging emosyonal at maiyak. Napansin ito ng kaniyang amo at nakuhanan pa ng larawan. Nagulat siya at hindi niya akalain na mayroon palang ganitong klase ng emosyon ang aso na ito.

Marahil ay sobra sobra lang talaga ang naranasan nitong paghihirap kung kaya naman labis niyang nadama ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kaniya ng bago niyang tagapag-alaga.