Isang bihirang uri ng usa ang natagpuan sa Pilipinas. Minsan na itong nadeklara bilang isang “extinct” o wala na kahit isang lahi ang nabubuhay pa. Ngunit kamakailan lamang ay nakuhanan ito ng larawan sa kaniyang natural na tirahan.
Ang usa na ito ay kilala bilang Philippine spotted deer o Prince Alfred’s deer. Mayroon itong scientific name na Rusa Alfredi.
Dahil sa laganap pa rin ang “deforestation” at “poaching” kung kaya naman ang kanilang populasyon ay nasa kritikal nang lebel. Ayon din sa International Union for Conservation of Nature o IUCN, ang kanilang populasyon ay “severely endangered” na.
Ang spotted deer na ito ay isa sa “rarest animal species on Earth” at ito na rin ang “rarest deer species on Earth”. Ang Visayan spotted deer na ito ay makikita at matatagpuan lamang sa isla ng kabisayaan sa Pilipinas.
Sinasabing mayroon diumanong halos 100 na Visayan spotted deer sa Panay island at mahigit 700 naman sa buong isla. Maraming mga netizens din ang nakapansin na hindi nag-iisa ang Visayan spotted deer sa larawan dahil maaaring kasama din nito ang kaniyang kapareha.
Namataan sila at nakuhanan ng larawan sa isang “nature reserve”. Ang mga matatandang Visayan spotted deer ay maaaring lumaki ng mula 125 hanggang 130 sentimetro mula sa itaas na bahagi ng kaniyang ulo hanggang sa kaniyang buntot.
Nasa 70 hanggang 80 sentimetro naman ang kanilang taas at umaabot ng 25 hanggang 80 kilo ang kanilang timbang. Kahit na maiksi ang kanilang mga buntot ay sila ang pinakamalaking deer specie na matatagpuan sa Visayas.
Ayon sa ilang mga ulat, ang Visayan spotted deer ay namataan din sa Negros noong taong 2018. Isa rin ang mga species nito sa mga hayop na pinoprotektahan ng Republic Act No. 9147 na para sa proteksyon at konserbasyon ng mga hayop sa kanilang natural na tirahan.
Ipinagbabawal rin ang panghuhuli sa mga ito.