Isang tuta na malaki ang pagkakahawig sa paborito nitong Oreo McFlurry, kinagiliwan ng publiko!

Isang tuta na malaki ang pagkakahawig sa paborito nitong Oreo McFlurry, kinagiliwan ng publiko!

Ang mga Chow-Chow ay popular na breed ng aso na nagmula sa Tsina. Kadalasan ay mayroon silang kulay na “golden brown”.

Ngunit kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng publiko ang isang chow-chow na ito na mayroong kakaibang kulay. Ang owner nito ay nakilala bilang si Sara.

Binigyan siya nito ng pangalan na Oreo Cloud. Hindi lamang dahil sa maganda at kakaiba nitong balahibo kung kaya naman ito ang naisip na ipangalan sa kaniya ni Sara.

Dahil kapansin-pansin din ang magandang mga mata nito na kulay asul.

“We like to call him Oreo Cloud as nickname because he looks like Oreo Mcflurry.” Pahayag ni Sara.

Dagdag pa ni Sara, Chief daw talaga ang pangalan ng kaniyang alaga dahil inakala nitong magiging malaki siyang aso. Sinasanay din niya si Chief na maging isang therapy dog dahil sa pagiging kalmado nito at matalino.

Walong taong gulang na si Chief nang magkasama sila ni Sara. Ngunit sa kabila nito ay naging malapit pa rin talaga sila sa isa’t-isa.

Marami ding mga netizens ang agad na nakapansin sa nakapagandang hitsura ni Chief kung kaya naman hindi na nakapagtatakang marami na rin siyang tagasubaybay sa ngayon. Isang nakakatuwang katangian pa niya ay ang pagkahilig nito sa tubig.

Gustong-gusto kasi ni Chief ang maligo. Tila nagtatampo pa ito sa tuwing hindi siya niyaya ng ilang mga aso sa pagligo nila.

Kung maraming mga aso ang ayaw na ayaw maligo, kabaligtaran naman talaga si Chief. Nakakatuwang makakita ng kakaibang hitsura ng mga hayop.

Lalo na ang katulad ni Chief. Sa ngayon ay marami naman ang nag-aabang sa kaniya sa pagiging therapy dog nito.

Tiyak na marami pa siyang matutulungan at mapapasayang mga tao. Nakaalalay din naman para sa kaniya ang kaniyang owner na si Sara.

Kung kaya mapalad din si Chief dahil mayroon siyang fur parent na katulad ni Sara.