Isang alagang aso ang iniwanan ng kaniyang amo sa isang parke, nag-iwan pa ito ng isang liham para sa kung sino mang makakapulot sa kaniyang alaga!

Isang alagang aso ang iniwanan ng kaniyang amo sa isang parke, nag-iwan pa ito ng isang liham para sa kung sino mang makakapulot sa kaniyang alaga!

Ang pag-aalaga ng mga hayop sa ngayon ay isang tipikal na lamang na gawain para sa nakararami. Kumpara noon, mas marami na ang nag-aalaga ng mga hayop sa ngayon.

Kahit pa nga sabihin natin na marami din talagang pangangailangan ang ating mga alaga, hindi lamang pagkain kundi lalo na ang ating atensyon at pagkalinga. Ayon sa ilang mga ulat, isang bata raw ang nag-iwan sa asong ito sa isang parke na mayroon pang liham sa tabi nito.

Palagi raw kasing nasasaktan at inaabuso sa kanilang tahanan ang kawawang aso kung kaya naman iniligtas na ito ng bata upang hindi na siya masaktan pa ng kaniyang mga magulang. Dahil sa naranasan ng asong ito kung kaya siguro sa tuwing may lalapit sa kaniya sa palagi niya itong inaangilan o sinusungitan.

Nobyembre 2020 pa, kasagsagan ng pandemya nang mailigtas ng mga rescuers ang aso na si Max na nakataling iniwanan sa parke.

“Hi. His name is Max. Please adopt him. Please adopt this cute puppy and take good care of him. My family is abusing Max. It hurts to leave him here, but it hurts me more to see Max being abused.” Ito ang nakasulat sa kasamang liham ni Max nang matagpuan siya ng mga nag-rescue sa kaniya.

Maraming mga netizens ang naantig sa batang nagsulat nito dahil wala siyang ibang nais kundi ang ikaaayos at ikaliligtas ng kaniyang alaga. Kahit pa nga nangangahulugan itong hindi na niya muli pang makakasama ang kaniyang aso.

Nang makarating si Max sa animal shelter ay naging kalmado naman ito.
“Max is very friendly and kind, he likes to play with the ball.” Komento ng mga staff ng naturang animal shelter.

Sa ngayon ay handa na si Max para sa mga posibleng mag-ampon sa kaniya. Sa wakas ay magkakaroon na din siya ng masayang pamilya na hindi niya naranasan noon sa kaniyang mga tagapag-alaga.