Pusa na noon ay sa lansangan lamang nakatira, nakatagpo ng bagong tahanan dahil sa pamilyang kumupkop sa kaniya!

Pusa na noon ay sa lansangan lamang nakatira, nakatagpo ng bagong tahanan dahil sa pamilyang kumupkop sa kaniya!

Ilang taon ding namalagi sa lansangan ang pusa na ito. Sa wakas ay nakatagpo na rin siya ng pamilyang tatanggap at magmamahal sa kaniya ng lubos.

Ang mapalad na pusang ito ay nakilala bilang si Chubby Hubby. Ayon kay Sarah MacLeod ng Exploits Valley SPCA, si Chubby Hubby ay namataan nila sa kanilang lugar na palaboy-laboy lamang.

Nakakakain ito dahil sa pagmamagandang-loob ng mga residente ng naturang lugar na nagbibigay ng pagkain sa kaniya. Isang araw ay nakita na lamang nila ito na nasa masamang kalagayan.

Basabg-basa ito dahil sa malakas na ulan, punong-puno ng sugat ang kaniyang mukha at buong katawan, at mayroon ding pila yang kaniyang mga binti. Dinala siya sa Exploits Valley SPCA upang doon ay malunas ang kaniyang kalagayan.

Ngunit dahil sa unang beses niyang napunta rito kung kaya naman halatang kinakabahan ito. Hindi naman din nagtagal at naging komportable din siya sa mga taong nag-aalaga at nakapaligid sa kaniya.

Dahil na rin sa kanilang tulong ay unti-unti nang gumaling at sumigla si Chubby Hubby. Naging magiliw at malambing na rin siya sa mga nakakasalamuha niya tao man o hayop.
“He was quick to purr and gobbled the treats like there was no tomorrow. He has the cutest little squawk meow that makes it hard not to do whatever he asks.” Pagbabahagi pa ni MacLeod.

“As soon as I brought him home, I settled him into my spare room downstairs. He had a full room to himself and a big queen-sized bed. Hubby had spent most of his time as a tomcat, so I knew it would be slow and steady,” Komento naman ni Katherine na isang volunteer sa rescue center.

Dahil sa pagsasama nina Katherine at Chubby Hubby ay natuklasan niyang mahilig talaga ito sa cat treats at gusto niyang hinihimas at hinahaplos siya kung kailan niya gusto. Sa kabila ng mga pinagdaanan niya, sa wakas ay nakatagpo na siya ng pamilyang magmamahal at mag-aalaga sa kaniya.