Mga Japanese office staff nagulat nang makita ang pusang ito na tila isang CCTV cat sa kanilang opisina!

Mga Japanese office staff nagulat nang makita ang pusang ito na tila isang CCTV cat sa kanilang opisina!

Noon pa man, marami nang mga kompanya ang nagbabawal sa kanilang mga empleyado na maging tamad at pabaya sa kanilang mga trabaho. Isa na marahil sa mga pamamaraang ginagawa ng mga boss ay ang pagkakaroon ng CCTV sa kanilang opisina.

Ito ay upang masiguradong walang ibang gagawin ang kanilang mga tauhan kundi ang magtrabaho ng maayos. Kung ito ay isang seryosong paksa sa marami sa atin, naging katatawanan naman ang isang CCTV cat na ito sa Japan.

Ayon sa mga nauna nang ulat, isang opisina sa Japan ang tila mayroong limitadong budget pagdating sa kanilang CCTV kung kaya naman nagpadala na lamang daw ang kanilang boss ng isang spy o espiya upang makita ang kanilang mga ginagawa. Nang makita naman ito ng mga staff ng opisina ay agad nila itong kinuhanan ng larawan at ibinahagi sa social media.

Inulan naman ito ng komento at reaksyon mula sa publiko. Narito ang ilan sa kanila:

“I wonder how many Meow-Pixel this camera has?” Komento ng isang netizen.

“This 007 Cat is more advanced than the high tech CCTV,” Pahayag naman ng isa.
“The CCTV Cat is not just monitoring the staffs but also give the staff a sneaky look to ensure they are working hard instead of playing Facebook.” Turan naman ng isa pa.

“Guys, it’s better to get back to work, else the boss will know what you are doing.” Sabi ng isa.

“Cats are scarier than CCTV because they are constantly judging us humans.” Komento pa ng isang netizen.

Kahit isa sa mga staff sa opisina ay hindi batid kung paano nga kaya napunta roon ang pusa. Sa kabila nito ay talagang marami ang natuwa at nasiyahan sa insidenteng ito.

Tunay nga na marami pa ring mga bagay sa ating paligid ang nakapagpapasaya sa atin. Maaaring simple lamang ito ngunit malaking bagay pa rin upang makapagpaligaya sa nakararami.