Mga eksperto, may natagpuan na bagong organismo sa karagatan na tinawag nilang “Blue Goo”!

Mga eksperto, may natagpuan na bagong organismo sa karagatan na tinawag nilang “Blue Goo”!

Talaga namang laganap na ngayon ang internet at iba’t-ibang social media platforms. Hindi na nakapagtataka na mas marami na sa atin ngayon – matanda man o bata – ang nakababatid ng mga bago at nakakamanghang mga balita.

Tulad na lamang halimbawa ng isang kakaibang ocean organism na ito na hindi pa batid ng mga eksperto kung ano talaga. Natuklasan ito ng mga siyentipiko na siyang nagkokontrol ng remotely operated vehicle (ROV) malapit sa seafloor ng St. Croix, isa sa mga isla sa U.S. Virgin Islands.

Ang research vessel na Okeanos explorer ang siyang sasakyan na ginamit nila upang makapagsaliksik ng ganito kalalim sa gitna ng malawak na karagatan. Halos apat na buwan na raw ang ginagawa nilang pagsaliksik sa North Atlantic bilang bahagi ng “Voyage to the Ridge 2022” ng National Oceanic and Atmospheric Administration’s (NOAA).

Sa lalim na 1,335 at 2,005 feet (407 and 611 meters) ay nakita ng mga siyentipiko ang isang kulay asul na organism na noong una ay hindi pa gumagalaw. Nang gumalaw ito ay nagulat ang lahat, habang nasa live stream ay talagang hindi makapaniwala ang ilang mga siyentipiko sa kanilang nakita.

Maaari daw itong isang soft coral o kaya naman ay sponge ngunit maaari din daw itong maging isang “tunicate” o isang uri ng “gelatinous marine invertebrates” madalas ay tinatawag din itong “sea squirts”. Ang ilan sa kanila ay nagmungkahi rin ng maaaring itaguri sa organismong ito tulad na lamang ng “bumpy blue thing”, “blue biomat”, at “blue goo”.


Isang expedition member pa nga ang nagbiro at nagsabi na batid daw niyang hindi iyon bato at hanggang doon na lamang ang kaniyang hinala. Marami pang nadiskubre ang mga eksperto sa naging dive na ito tulad na lamang ng greeneye fish (Chlorophthalmidae), hatchet fish (Sternoptychidae), beard fish (Polymixia), glass sponge (Hexactinellida), at bamboo coral (Isididae) na isang uri ng “fossilized coral reef”.