Isang 90 taong gulang na lola ang nagpipinta ng mga floral designs sa bahay mismo ng kaniyang mga kapitbahay!

Isang 90 taong gulang ang hinahangaan ngayon ng publiko mula sa Czech republic dahil sa napakagandang obra nito sa bahay ng kaniyang mga kapitbahay! Siya ay nakilala bilang si Anežka (Agnes) Kašpárková.

Sa tuwing sasapit ang tag-init at tagsibol ay nagpipinta siya ng mga kabahayan sa kanilang komunidad. Madalas siyang nagpipinta ng mga bulaklak at dahon sa mga pintuan, pader, at bintana ng mga bahay na ito.

Talaga namang mamamangha ka kapag nakita mo kung gaano kaganda ang mga ito. Ayon kay Lola Agnes, nagtatrabaho siya noon sa isang bukirin kung saan nakilala niya ang ilan sa mga katrabaho niyang mahilig din sa pagpipinta at dito na nga nagsimula ang kaniyang interes sa sining na ito.

Ang mga disenyo niyang ito ay mula sa “art of classical Moravian (Southern Czech Republic)”. Gamit ni Lola Agnes ay maliit na brush lamang sa pagguhit ng mga “flower patterns” na ito.

Kailangan ng pagsisikap at determinasyon sa paggawa ng mga ito dahil talagang hindi ito biro. Laking pasasalamat din naman ng mga residente sa kanilang komunidad dahil sa dedikasyong ito ni Lola Agnes.

Para naman kay Lola Agnes, hindi niya nais ang pera o ang kasikatan bagkus ay masaya na siya dahil sa nagagawa niya ang kaniyang hilig at nakapagbibigay pa siya ng kasiyahan sa maraming tao.


“I am an artist. I just enjoy wall painting, and I want to help.” Pahayag ni Lola Agnes.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens ukol dito:

“I can only say that this is really amazing! It is difficult for young people to draw such complicated patterns, let alone a grandmother in her 90s! (Wow! Grandma Agnes must have very strong knees!)” Komento ng isa.

“I hope that everyone can be like grandma Agnes, never giving up on their hobbies and dreams, no matter what our age is! It’s never too late to pursue your dreams.” Turan naman ng isa.