Makalipas ang 11 taon ay nakatagpo na ng bagong pamilya ang aso na ito na mayroong kapansanan sa pandinig!

Kilalanin natin si Solo, siya ay isang asong pagala-gala lamang noon sa Los Angeles. Sa edas niyang 11 taong gulang ay hirap na siyang makipagsabayan pa sa mga aso sa lansangan na mas bata sa kaniya.

Dahil sa katandaan ay naging sakitin na rin siya. Hindi nagtagal at palagi na lamang siyang nakahiga sa isang sulok at doon tila naghihintay ng taong tutulong sa kaniya.

Isang araw ay mayroong isang ginang ang nakakita sa kaniya, tinulungan siya at binigyan siya ng pangalang Solovino. Ang ibig sabihin nito ay “he arrived alone” sa Espanyol na lenggwahe.

Tumawag kaagad ang nakakita sa kaniyang ginang sa Rocket Dog Rescue. Hindi naman din nagdalawang isip ang mga ito na tulungan ang aso.

Tumira sa isang “foster home” si Solo ng isang taon at kalahati. May ilang beses din siyang naampon ngunit ibinabalik din siya makalipas lamang ang ilang araw.

Tila ba walang kayang mag-alaga at umalalay sa kaniya. Hanggang dumating ang araw na nakita ni Carol Messina ang larawan niya online.

Ayon naman kay Messina, nang oras na makita niya ang larawan ni Solo ay gusto na niya ito ampunin kaagad. Nang nalaman niya ang pangalan nito ay labis din siyang nagalak dahil sa fan din siya ng Star Wars.

Mayroon din siyang pusa na ganito ang pangalan. Nang unang beses na inuwi siya ni Messina sa bahay nito ay talagang mahahalata ang pagiging matatakutin ni Solo.

Halos ilang buwan din daw naging mailap si Solo ayon sa bago nitong tagapag-alaga. Hindi nagtagal at natuklasan niyang sobrang hina na pala ng pandinig nito at maging ang kaniyang mga ngipin ay may matinding sira o problema na din.

Marahil ito ay dahil sa katandaan at sa tagal ng pamamalagi nito sa lansangan. Nang naipagamot na nila ang mga ngipin nito ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kaniya.

Dahil sa naging sobrang lambing na nito sa kaniya at sa kanilang buong pamilya. Mapalad siya dahil nakatagpo na rin siya sa wakas ng pamilyang magmamahal at kakalinga sa kaniya.