Isang raccoon ang sobrang malapit sa usa na ito na nawalan ng ina, araw-araw niya itong niyayakap!

Isang video ng isang usa at isang raccoon ang agad na kinatuwaan ng marami online. Ang usa ay nakilala bilang si Hope habang ang raccoon naman ay si Jasper.

Hindi tulad ng ibang mga magkakaibigan na hayop, ang dalawang hayop na ito ay may malaking pagkakaiba ngunit hindi ito naging hadlang upang maging malapit silang magkaibigan. Ang naturang video ay mayroon nang higit sa 432,000 videos.

Talaga namang gustong-gusto ng raccoon na si Jasper ang yakapin ang kaibigan niyang si Hope.

“The whole purpose of the Jasper/Hope video was to get a smile or a giggle out of whomever saw it! This world is tough and a little humor never hurt anyone!” komento ni Carrie Long, ang founder ng “Texas Fawn and Friends”.

Si Carrie ang founder ng non-profit organization na “Texas Fawn and Friends” para sa mga naulila at sugatang usa. Nakatanggap siya isang araw ng tawag patungkol sa isang raccoon na kailangan ng tulong.

Sa ilang taon ay nasanay si Carrie sa mga tawag patungkol sa mga usa ngunit nang mga oras na iyon ay nakatanggap siya ng kakaibang tawag. Ayon sa “licensed wildlife rehabilitator”, agad daw na sinabi sa kaniya ng tumawag na ang raccoon ay maaaring nasa dalawa hanggang tatlong linggong gulang na.


Nasa kritikal itong kondisyon at nangangailangan ng kanilang tulong. Wala na rin daw itong ina na marahil ay inabandona na siya sa gitna ng masamang panahon.

Dahil sa hindi kaya ni Carrie na basta na lamang balewalain ang tawag na iyon sa kaniya, agad niyang tinutulungan ang kawawang raccoon. Siya na rin ang nag-alaga at nagpapakain dito hanggang sa bumalik ang sigla nito.

Hindi nagtagal at naging maayos na rin ang kaniyang kalagayan. Nang dalhin naman si Jasper sa kanilang animal shelter ay tila nagkaroon na sila kaagad ng koneksyon ni Hope. Kung kaya naman simula nun ay naging malapit na silang dalawa sa isa’t-isa.