Isang rescued tiger na naglangoy sa pool sa unang pagkakataon, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Kilalanin natin ang tigre na si Marcus. Isang adult tiger na binili ng kaniyang amo bilang isang pet ngunit nang lumaki na ito ay ibinigay na lamang siya sa isang breeder.

Matapos siyang mailigtas ng mga rescuer ay iginayak nila ang kaniyang pagpapaliguan at talagang nagustuhan niya ito ng husto.

“This was like a little kid swimming for the first time. But this was an adult tiger experiencing something he had never experienced before.” Komento ng isa sa mga staff ng animal shelter.

Noon una ay talagang sinusuri pa niya ito ng husto bago siya tuluyang lumusong. Nilagyan din nila ito ng ilang kahoy upang maingganya ang tigre na lumangoy.

Ilang segundo pa raw ang dumaan at tuluyan nang nagtampisaw at naglangoy ang tigre. Ilang taon din siyang nakakulong sa isang makitid at masikip na kulungan.
Naapektuhan nito ang kaniyang mga “joints” at “spine”. Talagang gustong-gusto ng tigre ang tubig.

Nilalaro nito ang hose na nagpupuno ng tubig sa kaniyang paliguan. Napakapalad ni Marcus dahil sa wakas ay malaya na siya at nasa maayos na siyang kalagayan.

“When we first met Marcus, he was in this mud pit, kennel pacing quite a bit. He was anxious. He was underweight, and he had open wounds.” Pahayag pa ng isang staff.

Ayon pa sa “Wild Sanctuary”, walang tamang lugar si Marcus upang tumakbo, tumalon, o umakyat sa mga matataas na lugar. Kung nagkataon ay mas magiging maganda ang kaniyang pangangatawan.

Sa ngayon ay wala nang dapat ipag-alala pa dahil nasa mabuti na siyang kalagayan. Hindi na niya kakailanganin pang magtiis na mahirap na sitwasyon kung nasaan siya noon.

“Marcus was a former pet, and they were breeding him to sell cubs on the internet into roadside zoos and as pets. So to see him discover his own tiger abilities just brought us even more joy that we can imagine that face.”