Isang wildlife photographer ang gumawa ng mice village sa kaniyang hardin na talaga namang ubod ng ganda!

Isang talentadong wildlife photographer ang gumawa ng “miniature Hobbit-style village” para sa mga daga sa kanilang lugar. Inspirasyon niya ang mga pelikulang “The Lord of the Rings” at “The Hobbit” films sa bawat inilalagay niya sa mice village na ito.

Nagsimula sa simple at maliit lamang na lugar ngayon ay talagang lumalaki at nagiging mas maganda na ito. Ayon sa wildlife photographer, nagsimula raw ang pagkuha niya ng mga larawan ng mga daga na ito sa kanilang mice village noong siya ay nakaranas ng depresyon.

Mula noon ay mas naging maayos na ang kaniyang pag-iisip at ang kaniyang pakiramdam. Talaga namang mamamangha ka kapag nakita mo ang kaniyang “magical mouse garden”.

Hindi niya kinukulong ang mga daga rito bagkus ay nakakalabas at nakakaalis ang mga ito kailan man nila gustuhin. Ligtas din ang mga ito mula sa mga pusa sa kanilang komunidad.

Mayroon din siyang ginawa na Facebook page para sa kaniyang mga alagang daga. Dito makikita ang pambihira nilang mga larawan na siya mismo ang kumuha.

Ilan sa mga larawan na pumukaw sa atensyon ng publiko ay ang larawan ng Hobbit-style village nila na talaga namang napakaganda. Mula raw ito sa nalaglag na puno na ginawa nilang tahanan ng mga daga.

Makikita ang mga daga na may kaniya-kaniyang ginagawa. Ilan na riyan ang mga daga na kumakain, mga daga na nakasilip sa bintana, mga daga na nasa isang tree house na gawa sa lumang bao ng niyog.


Gayun din naman ang isang daga na tila ba nasa loob ng isang telebisyon. Hilig din ng mga daga ang mga blackberries na kaniyang pananim.

Maging ang mga hazelnut ay paborito din nila. Nakakatuwa ring makita ang ilang mga daga na naglalaba at nagtutulak ng kanilang munting negosyo. Hindi rin naman nagpahuli ang mga daga na magpatugtog ng mga instrument tulad ng saxophone at flute.