Isang magkapareha sa Brazil ang kinasal kamakailan lamang. Sila ay sina Douglas Robert at Tamris Muzini.
Ang seremonya ng kanilang kasal ay dinaluhan ng hindi nila inaasahang bisita. Isang asong ligaw ang bigla na lamang nakilahok sa kasalan ng dalawa. Kahit pa nga nangyari ito, hindi naman ito nakasira sa seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib.
“I was surprised. I thought, ‘Look, there’s a dog inside the church. My heart melted.” Komento ng bride na si Tamris.
Talagang nagtagal ang aso sa simbahan at hindi ito umalis sa kaniyang pwesto. Tila ba batid na niya kung ano ang mangyayari sa huli.
Hindi nagtagal at natapos na ang seremonya ng kasal. Kailangan ng lumabas ng bagong kasal sa simbahan at nang makalabas sila ay isang napakagandang pagbati ang bungad sa kanila ng aso.
Nagulat sila ngunit natuwa rin ng husto sa inasal na ito ng aso.
“When he greeted us at the end so, he asked: ‘Take me home. Take me,’” Pagsasalaysay pa ni Tamris.
Hindi rin naman nagdalawang-isip pa ang mag-asawa na ampunin na ang asong ito. Pinanganalan nila siyang Braiá Caramelo.
Kahit pa nga naging mahirap ang mga pinagdaanan nito noon ay hindi pa rin nawala ang pagtitiwala nito sa mga tao tulad na lamang ng naging pagtitiwala niya sa mag-asawa. Pag-asa naman daw ang dulot ni Braiá Caramelo sa kanilang dalawa.
Bagamat wala pang anak sa ngayon ang dalawa, masayang-masaya sila dahil naririyan naman ang alaga nilang aso na para na ring anak ang turing nila.
“He is very content, very energetic and full of life. Really, he adopted us.” Kwento pa ni Tamris.
Tunay nga na maraming mga bagay ang hindi natin inaasahan sa buhay. Ngunit sa kabila nito at sa kabila ng maraming mga pagsubok, pagsasakripisyo, at paghihirap ay darating din ang araw at panahon na ating pinakahihintay.