Ayon kay Jaelle, Valentine’s Day noon nang makarinig siya ng kakaibang tunog o ingay mula sa kanilang bakuran. Agad niya naman itong tiningnan at nagulat siya nang makita ang isang kulay orange na pusa na nakatayo sa labas sa gitna ng malamig na panahon.
Tila nakikiusap din itong siya ay tulungan at papasukin dahil sa ginagawa nitong pagkaskas ng kaniyang kamay sa pintuan ng kanilang likod-bahay. Si Jaelle ay isang volunteer mula sa Quebec, Canada.
Hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ang kawawang pusa na ito. Ibinahagi din niya ang pangyayari na ito sa founder ng kitten rescue kung saan siya nagboboluntaryo.
“She said she knew we were not taking adult cats and was looking to help him. As soon as I saw the picture it broke my heart, and I told her to take him to our partner clinic so he could be evaluated.” Pahayag ni Marie Simard, founder ng “Un Chat à la Fois”.
“His face said everything that needed to be said. He stayed in front of her door for a while, and as soon as I told her to get him, he didn’t try to get away.” Turan pa niya.
Dinala nila sa beterinaryo ang pusa kung saan nilapatan ito kaagad ng atensyong medikal na kailangan niya ng mga oras na iyon. Punong-puno ng kagat, sugat, at mga insekto ang kaniyang mukha. Mayroon din itong diabetes, bulok na mga ngipin, at frostbite.
Kung hindi nga nakahingi ng tulong ang pusang ito ay tiyak na hindi na ito makakaligtas pa. Marahil, ang pusang ito ay labis ang pasasalamat sa mga taong nagligtas sa kaniya kung kaya naman talagang malambing ito sa mga staff ng animal shelter kung saan siya muna namalagi.
Hindi rin naman nagtagal at mayroong pamilya na nag-ampon sa kaniya. At sa ngayon ay kapiling na niya ang bago niyang pamilya.