Video ng isang mama bear na pilit pinabababa ang kaniyang anak na nasa itaas ng puno, patok sa mga netizens!

Video ng isang mama bear na pilit pinabababa ang kaniyang anak na nasa itaas ng puno, patok sa mga netizens!

Ang mga anak natin ay talaga namang biyaya mula sa Diyos. Marahil marami sa atin ang talagang ipinanalangin ang mabiyayaan sila ng anak habang ang ilan naman ay talagang nabigyan nito sa tamang pagkakataon.

Ang pagiging isang magulang ay mayroong mabigat na gampanin at responsibilidad. Kung kaya naman talagang mayroon ding iilan na pinaghahandaan ito ng husto dahil hindi ito basta basta.

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang isang nanay na oso na ito na nakuhanan ng video habang sinasaway ang kaniyang makulit na anak. Nasa itaas kasi ng puno ang makulit na anak niya na pilit naman niyang pinabababa na dahil sa delikado ang kasalukuyang kinalalagyan nito.

Ang video na ito ay kuha pa mula sa Switzerland. Tulad ng mga kabataan ngayon, mahilig din talagang maglaro ang nakababatang oso na ito.

Ngunit dahil din sa kagustuhan nilang maglaro ay tila nasobrahan at hindi na nakontrol pa ang pagiging makulit nito. Sa kabila nito ay napansin ng marami ang pagiging pasensyoso ng inang oso.

Ilang minuto pang tumagal ang tila pagnenegosasyon nilang mag-ina. Nang hindi makuha sa simpleng pakiusapan ang anak ay dito na nag-iba ng pamamaraan ang inang oso.

Ang ginawa nito ay niyugyog nito nang husto at talagang sinakyan ang puno hanggang sa tuluyan nang nalaglag ang batang oso. Tunay nga na hayop man ay marunong ding magmalasakit, magmahal, at magkalinga sa kanilang mga kauri – lalong-lalo na kung ito ay para sa kanilang pamilya.

Para sa maraming mga magulang, wala tayong ibang nais para sa ating mga anak kundi ang ikabubuti nila. Kung kaya naman sana ay maunawaan din ng mga anak kung bakit nagagawa ng kanilang mga magulang ang pagalitan o pagsabihan sila paminsan-minsan.

Marami din namang mga anak ang nakaka-appreciate sa kanilang mga magulang na nagmamalasakit sa kanila sa abot ng kanilang makakaya. Ito ang mga bagay na dapat nating ipagpasalamat sa araw-araw.