Isang lalaki ang nakapulot ng isang medieval ring sa kagubatan na posibleng nagkakahalaga ng US$92,000 o mahigit 5 milyong piso!

Isang lalaki ang nakapulot ng isang medieval ring sa kagubatan na posibleng nagkakahalaga ng US$92,000 o mahigit 5 milyong piso!

Isang medieval ring ang natagpuan sa Sherwood Forest na pinaniniwalaan na noon pang 14th century at mayroong halaga na umaabot ng $90,000! Ang mapalad na lalaking nakapulot dito ay si Mark Thompson, 34 na taong gulang.

Ang kaniyang trabaho ay “spray-painting” ng mga fork lift trucks. Hindi niya lubos akalain na mayroon siyang mapupulot na singsing. Ayon sa mga nauna nang ulat, nagpapala siya ng lupa noon nang mayroon siyang maaninag na kinang mula sa lupa.

Nang kuhanin niya ang maliit na bagay na kumikinang na iyon ay napagtanto niya na isa pala itong singsing. Nang ipinatingin niya ito sa mga eksperto ay sinabi sa kaniya na posibleng nasa 20,000 hanggang 70,000 British Pounds ang halaga nito.

“I called my friend who came down to take a look and help see whether there was anything else related nearby. Aside from the ring, there were 2 other coins that were found.” Pagbabahagi ni Mark.

“It’s the find of a lifetime – I never expected to unearth anything like that. I’m still in shock when I think about it – it was such an exhilarating moment.” Dagdag pa niya.

“I’m renting at the moment and I’d love to be able to buy a house or move into somewhere more comfortable.” Komento niya.

Pinaniniwalaan din na posibleng ang naturang singsing ay noon pang 14th century dahil na rin sa sanggol na si Kristo na nakaukit dito gayun din ang isang babaeng santo sa kabilang bahagi.

Ayon naman kay Dot Boughton, isang “regional finds liaison officer”, ang naturang singsing ay sumasailalim na raw ng ilang mga tests sa British Museum at maaari rin daw itong maging isang kayamanan.

Kung mapapatunayang totoo ito ay tiyak na makakakuha siya ng malaking halaga mula sa ilang mga museo na magnanais bumili nito o sa mga taong nangongolekta ng mga ganitong klase ng lumang bagay.