Isang aso na hindi tumitigil sa paghikbi at pag-iyak sa libingan ng kaniyang namayapang amo, umantig sa puso ng publiko!

Isang aso na hindi tumitigil sa paghikbi at pag-iyak sa libingan ng kaniyang namayapang amo, umantig sa puso ng publiko!

Si Wiley ay isang wolf-dog at talaga namang malapit siya sa kaniyang amo na si Gladys noon pa man. Kung kaya naman talagang mahirap para sa kaniyang tanggapin na wala na ito.

Isang video ni Wiley ang umantig sa puso ng marami dahil sa talagang labis na kalungkutan nito sa pagkawala ng kaniyang amo. Mapapansin sa naturang video na tila ba umiiyak at parang nanginginig si Wiley.

Isa ring kaanak ni Gladys ang humaplos kay Wiley at sinabing maging sila ay talagang nagdadalamhati rin sa pagkawala nito. Mahigit siyam na milyon na rin ang views ng naturang video na ibinahagi ng YouTube user na SarahandtheWolves.

Ayon sa naturang YouTube channel, isa si Wiley sa mga service wolf-dogs na tumutulong sa mga beterano na nakaranas ng PTSD matapos nilang manggaling sa giyera. Ang mga service wolf-dogs na ito ang nagbibigay ng therapy sa pamamagitan ng LARC o ng “Lockwood Animal Rescue Centre”.

Nagkomento rin naman ang user na ito patungkol sa mga nagkokomento patungkol sa kalusugan ni Wiley.

“I am not a vet so I can’t say if he’s reverse sneezing as some of you are stating,” komento ni SarahandtheWolves.


“I can tell you that he has never done that before and hasn’t done it since. I may be anthropomorphizing his actions but its how I’m choosing to deal with loss…” Pagbabahagi niya.

“Also, for those stating he is dying, I promise he’s not. We have a veterinarian on staff at the sanctuary and Wiley is just fine.” Dagdag pa niya.

Tunay nga na hindi biro ang mawalan ng isang matalik na kaibigan. Kahit naman tayong mga tao ay nakakaranas din ng pagdadalamhati at labis na kalungkutan.

Gayun din naman ang mga hayop na naging malapit sa atin at sa ating mga kapamilya. Lumipas man ang matagal na panahon ay tiyak na hindi malilimutan ni Wiley ang kaniyang amo na si Gladys.