Dalawang pusa ang mayroong kakaibang ugnayan kahit pa nga sila ay parehong bulag ay naging malapit sila sa isa’t-isa. Nitong nakaraang buwan, mayroong dalawang pusa na dinala sa kanilang klinika matapos na mailigtas mula sa kapahamakan.
Pareho silang bulag, maraming mga insekto sa kanilang katawan, at mayroong sakit sa tiyan. Ang “Best Friends Felines” ay isang cat rescue na nakabase sa Brisbane, AU.
Agad silang sinabihan patungkol sa dalawang ito na tinanggap din nila kaagad sa kanilang rescue center.
“The clinic said the little colorpoint girl has microphthalmia (tiny malformed eyeballs) and the ginger girl has anophthalmia (no eyeballs),” Pahayag ni Nikki ng “Best Friends Felines”.
Maraming mga staff ang nagulat dahil magkapatid pala ang dalawa. Hindi rin nila alintana ang kanilang kapansanan dahil sa pagiging malambing ng mga ito.
“They have never missed the litter tray and are bright, happy and playful, and never stop purring when they hear you.” Dagdag pa ni Nikki.
Ayon pa sa kanilang foster mom na si Kerry, agad daw niyang nilagyan ng harang ang kitten room ng kaniyang mga alaga. Laking gulat niya dahil agad nila itong natandaan.
Labis din naman ang galak ni Kerry dahil palaging nakangiti ang kaniyang dalawang alaga na pinangalanan niyang Pearl (colorpoint) at Miley (ginger).
“They immediately amazed me. There is nothing they cannot do. They are 100% on point with their litter, and they have no problem finding their food and water. They play like normal kittens, and apparently, they are little dare devils.” Dagdag pa niya.
Nang minsan daw na umalis siya ng bahay at iniwanan silang dalawa ay inabutan niya ang dalawa na payapa at nakangiti habang nakauwi sa kanilang cat tree. Sa tuwing napapanuod daw niyang naglalaro ang dalawa sa kanilang kwarto ay hindi raw talaga halatang sila ay mayroong kapansanan.
Talagang napapangiti raw siya sa tuwing makikita silang dalawa.