Isang babaeng buntis ang nanganak sa isang Tesla car – inilagay nila ang sasakyan sa autopilot habang patungo sila sa ospital!

Naka-autopilot ang kanilang sasakyan habang papunta silang ospital dahil siya ay manganganak na! Labis labis ang naging pasasalamat ng mag-asawang ito sa manufacturer ng Tesla Automobiles dahil sa napakagandang ideya nilang ito.

Sa kabilang banda, isang magandang balita rin naman ito sa isang “high-end car company” tulad ng Tesla Automobiles. Ayon sa naging pagkukwento ng mag-asawa, madaling araw noon ng Setyembre 9 nang makaramdam ng contractions si Yiran Sherry.

Batid naman daw niyang malapit na siyang manganak ngunit hindi niya akalain na noong araw na iyon mismo.

“I knew that it’s nearly the day of my childbirth, but I didn’t think it’s going to happen anytime soon.” Komento niya.

Ang mag-asawa ay nagkakilala sa Rainbow Bridge International School kung saan kapwa sila mga guro. Sa ngayon ay mayroon na silang tatlong taong gulang na anak na lalaki na pinangalanan nilang Rafa at ang kanilang bagong silang na sanggol.

Habang hinahatid ng mag-asawang Yiran at Keating ang kanilang anak sa eskwelahan nito ay doon naman nangyari ang hindi nila inaasahan. Pumutok ang panubigan ni Yiran sa gitna ng trapik!

Dahil dito, batid na nilang hindi sila aabot sa ospital dahil sa mahigpit na trapiko nang mga araw na iyon. Kung kaya naman inilagay na lamang ni Keating ang navigation system nila sa ospital na kanilang patutunguhan at saka niya ito inilagay sa autopilot mode.

Ang kaliwang kamay niya ay nasa manubela pa rin habang ang kabilang kamay niya ay hawak ng kaniyang misis.

“She was squeezing my hand to the point where I thought she was going to shatter it. I was saying ‘Yiran, OK, focus on your breathing.’ That was advice to myself, as well. My adrenaline was pumping.” Salaysay niya.

Dahil sa matinding trapiko ay mas natagalan pa sila sa daan, hanggang sa makapanganak na nga mismo sa sasakyan si Yiran. Nang makarating na sila sa ospital ay nakaantabay na ang mga nars at doktor na siyang nagputol ng umbilical cord ng sanggol.

Ligtas at malusog naman ang sanggol ayon sa doktor.