Kahit na marami na sa ating mga Pilipino ang mayroong sariling bahay at lupa, marami pa rin naman ang nangangarap pa rin at patuloy na nag-iipon upang balang-araw ay magkaroon na rin sila ng sarili nilang bahay at lupa. Samantala, habang wala pa silang naipupundar ay nakukuntento na muna sila na mangupahan upang magkaroon din sila ng sarili nilang “privacy” at makatayo sa sarili nilang mga paa.
Dahil nga dito ay marami na rin sa atin ang nakaisip ng negosyong paupahan dahil talaga namang kumikita ito. Kamakailan lamang, kinagiliwan ng publiko ang kwento na ito sa likod ng isang liham ng dating tenant sa bagong tenant ng isang condo.
Si Miranda ay 23 taong gulang na at naghahanap siya ng mauupahan sa Washington. Hindi nagtagal at nakakita rin naman agad siya ng paupahan dahil sa isang ad online.
Ngunit nakakatuwa lamang dahil mayroon itong iniwanang liham para sa kaniya. Sa naturang liham ay winelcome sila ng may-ari sa kanilang pinakamamahal na bahay.
Nais din nilang maging masaya at maayos ang pagtira nito rito. Ngunit mayroon lamang daw silang isang pabor na hihilingin sa kaniya.
Ito ay ang pakainin ang pusa sa kanilang hardin. Ayon sa may-ari ng bahay, mayroong isang “old orange kitty” sa kanilang bakuran o likod bahay.
12 taon na raw ang nakalilipas nang isinilang ito roon. Mayroon itong “injured paw” kung kaya naman ayaw nitong may lumalapit sa kaniya.
Sa kabila nito ay patuloy pa rin daw nila itong inaalagaan. Dalawang beses sa isang araw daw nila itong pinapakain ng dry o di kaya naman ay wet cat food.
Mayroon din daw itong munting bahay tuwing winter o di kaya naman ay tuwing tag-ulan. Hindi daw nila nais na maiwan ang pusa dito ngunit wala silang magagawa kung kaya naman pakiusap nila ay pakainin pa rin sana nila ang kawawang pusa.
Natuwa naman si Miranda at sinabing walang problema ito sa kaniya at sa kaniyang partner. Ang totoo niyan ay natutuwa pa nga raw sila sa pusang ito.