Isang babae ang nagulat sa ginawa na ito ng lalaki sa isang asong nakatira sa lansangan!

Talagang namangha ang isang babae mula sa Brazil matapos niyang makita ang ginawang ito ng lalaki. Ibinahagi ni Ana Maria de Carvalho Leite na mula sa Alexania sa Goiás Brazil ang larawan na ito ng isang lalaki at ng kawawang aso.

Ang temperatura ng mga oras na iyon ay mababa pa sa 10 degrees Celsius. Talagang napakahirap nito para sa mga taong nasa labas, mga taong walang tirahan, at lalong-lalo na mga hayop na sa lansangan na nakatira tulad na lamang ng mga aso at pusa.

Hindi lubos akalain ni Ana Maria na masasaksihan niya ang pagtulong na ito ng lalaki sa kawawang aso. Hindi kasi ito nagdalawang-isip na suotan ito ng damit upang kahit papaano ay mabawasan ang lamig na kaniyang nararamdaman.

“I was at a gas station when I saw the boy and took a picture of him. It was a beautiful attitude, a gesture of affection and love”, Pahayag ni Ana Maria.

Talaga namang namangha siya sa kaniyang nakita kung kaya agad niya itong kinuhanan ng larawan. Ibinahagi niya rin ito sa social media na agad din namang pinusuan ng maraming mga netizens.

Inulan ng papuri at magagandang komento ang naturang post. Tunay nga na kahit gaano kahirap at kagulo ang buhay natin sa ngayon, marami pa ring mga tao ang hindi nagdadalawang-isip na tumulong sa abot ng kanilang makakaya.


Tunay nga na gustuhin man nating tulungan ang bawat hayop na inabandona sa lansangan ay hindi natin ito makakaya ng tayo lamang sa ganang ating sarili. Kung kaya naman lubos na makatutulong ang mga ganitong klase ng pagmamalasakit dahil mas marami pang mga indibidwal ang magnanais tumulong sa mga hayop na nangangailangan sa kanilang lugar.

Para din naman sa mga taong may mga alagang hayop, sapat na ang maging responsable at disiplinado sila. Hindi madali ang maging pet owner ngunit kayang-kaya naman nating maging responsable at disiplinado kung ating gugustuhin.