Isang malnourish na aso, tila nakikiusap na ampunin na lamang siya dahil na rin sa kaniyang anim na mga anak!

Marami sa ating mga Pilipino ang mayroon nang alagang hayop sa bahay. Maaaring ito ay isang aso, pusa, ibon, isda, kuneho, at marami pang iba.

Talagang nakakaalis ng stress ang mga hayop na ito at nakakatuwa rin namang kasama sa bahay. Dahil sa pagiging malapit nating ito sa mga hayop ay ganoon na lamang ang ating awa sa mga hayop na napapabayaan at naaabandona.

Tulad na lamang ng isang aso na ito. Ang pangalan niya ay Hope at mayroon siyang anim na mga anak. Talaga namang kapansin-pansin ang sobrang pagbagsak ng katawan nito marahil ay dahil na rin sa pag-abandona sa kaniya ng kaniyang mga amo.

Labis ang pagiging payat niya ngunit sa kaniya pa rin kumukuha ng gatas ang kaniyang anim na mga tuta. Isang “animal rights activist” naman ang nakakita sa mahirap na sitwasyong ito ni Hope.

Talagang nanlumo siya sa kalagayan ng kawawang nanay.


“I went to feed all the dogs until I realized that Hope, a female who was not half the size of her breed, could barely walk, and approached me with her bright eyes,” Komento ng rescuer.

Hindi na siya nagdalawang-isip pang kuhanin at iuwi na ang mga tuta na iyon. Ngunit apat sa anim na mga tuta ay nasawi rin agad dahil na rin marahil sa dinanas nilang mag-iina.
Matapos alagaan ng rescuer ang mga tuta ay agad din naman siyang nakahanap ng mga pamilyang mag-aalaga at kakalinga sa kanila. Tiyak na ituturing sila ng mga ito na bahagi ng kanilang pamilya.

Sa ngayon ay nasa maayos na ring kalagayan si Hope. Hindi katulad ng dati na buto at balat na lamang siya. Sa ngayon ay mayroon na siyang kaunting laman at talagang bumabalik na rin ang kaniyang dating sigla.

Ito ay dahil na rin sa pagmamalasakit at pagkalinga ng mga tao sa kanilang paligid.