Nagtataka ang amo ng pusang ito kung bakit wala ito tuwing gabi sa kanila – iyon pala ay nagtatrabaho ito ng night shift!

Nagtataka ang amo ng pusang ito kung bakit wala ito tuwing gabi sa kanila – iyon pala ay nagtatrabaho ito ng night shift!

Napakaraming mga dahilan kung bakit ang isang tao ay nagdedesisyon na mag-alaga o mag-ampon ng hayop. Marahil kadalasan ay animal lovers sila kung ilalarawan natin habang ang iba naman ay kailangan ng mga companion o “emotional support animal” dahil sa kanilang kondisyon.

Marami talaga tayong mga maaaring dahilan kung bakit kailangan natin ng mga hayop sa ating buhay. Ngunit ano man ang maging dahilan natin, ang pagkakaroon ng alagang hayop ay isang mabigat at hindi simpleng responsibilidad.

Kamakailan lamang ay isang netizen ang nagbahagi ng kaniyang kwento patungkol sa alaga niyang pusa. Palagi raw kasing wala ito sa kanila pagsapit ng gabi.

Kinabukasan ay umuuwi naman daw ito sa kanila ngunit puyat at tila pagod na pagod ayon sa amo nito. Nagulat din daw siya nang may makita siyang pera na nakaipit sa bandang batok nito.

Ayon sa amo ng pusa, marahil daw ay nagtatrabaho ito ng night shift at ang pera na kaniyang natagpuan sa kaniyang pusa ay ang sweldo nito. Talagang kinatuwaan online ang larawan ng pusang ito na masigasig sa kaniyang trabaho.

Mayroon din namang ilang mga netizens ang nagsasabing maaaring nanghuhuli raw ito ng daga sa isang establisyemento o di kaya naman ay sa isang bahay. Dahil sa natuwa raw ang mga taong may-ari ng bahay o ng negosyong ito ay binibigyan nila ng pera ang pusa.

Nakakatuwa din naman ang ginawa ng kaniyang amo sa dala niyang pera dahil ipinambili niya ito ng pagkain ng pusa at mga treats na talagang magugustuhan nito. Marahil hanggang sa ngayon ay marami pa rin sa atin ang nagtataka kung paanong parami ng parami ng bilang ang mga inabandonang hayop samantalang gumagawa naman ng paraan ang gobyerno upang mabawasan ito at mas dumami pa ang mga hayop sa bansa.

Huwag din sana nating kalimutan na maging responsable at maalaga sa ating mga alagang hayop.