Isang squirrel ang kumakatok sa bintana ng pamilyang ito sa loob ng walong taon para lamang magpasalamat!

Isang squirrel ang kumakatok sa bintana ng pamilyang ito sa loob ng walong taon para lamang magpasalamat!

Taong 2009 nang iligtas ni Brantly Harrison at ng kaniyang pamilya ang isang squirrel na ito. Aatakihin kasi ito ng kwago noong siya ay apat na linggo pa lamang.

Nagtamo ng pinsala sa kaniyang katawan ang kawawang squirrel na ito kung kaya naman agad siyang dinala ng pamilya sa kanilang tahanan sa Greenville County, South Carolina kung saan siya binigyan ng paunang lunas. Pinangalanan nila itong si Bella. Hindi lamang si Bella ang alaga nilang squirrel dahil mayroon pa silang tatlong inaalagaan sa kanilang tahanan – ito ay sina Larry, Curly, at Moe.

Prutas at mani ang pangunahing pagkain ni Bella noon. At nang maging maayos na ang kaniyang kalagayan ay pinakawalan na nila ito.

Taong 2010 nang pinakawalan nila si Bella. Ngunit hindi sumagi sa isipan nila na muli nilang makikita ang kanilang munting kaibigan.

Hindi pala nagpakalayo ang squirrel dahil madalas ay dumadalaw ito sa tahanan nila at tila nangungumusta. Hanggang sa umabot na ito ng walong taon at palagi pa rin nilang nakikita si Bella sa harapan ng kanilang tahanan o di kaya naman ay sa bintana ng kanilang kainan.


“Bella sits right at the front door waiting for someone to notice she has come by for a visit. She has even resorted to jumping over to the dining room window to peer in for someone to see her,” Pahayag ni Brantley.

Dahil sa madalas niyang pagbisita ay maging bahagi na siya ng buhay ng pamilyang ito. Isang araw ay dumalaw siyang muli at napansin nilang buntis ito at mayroong sugat sa kaniyang paa.

Tinulungan nilang muli si Bella hanggang sa makapanganak ito. Nagsilang siya ng tatlong mga cute na squirrel.

Sa ngayon ay mayroon na ring sarili niyang Instagram account si Bella kung saan ibinabahagi ng pamilya ang kaniyang mga larawan at mga videos na nagpapamangha sa maraming mga netizens sa iba’t-ibang panig ng mundo.