Tiyak na magugulat kayong malaman na mayroong isang tulay sa West Sumatra, Indonesia na mula sa malalaking ugat ng puno! Noon pa man ay talagang mahirap na ang paglalakbay sa ganitong klase ng mga liblib na lugar at bayan.
Kung kaya naman napakalaking tulong talaga ng mga tulay na siyang nagdudugtong sa dalawang magkaibang isla o dalawang magkaibang komunidad. Ang tawag sa natural bridge na ito ay “Jembatan Akar” na matatagpuan sa Batang Bayang River.
Ito ay mayroong sukat na 30 metro na nagdudugtong sa dalawang maliliit na pamayanan sa Indonesia. Sa unang tingin ay talagang mamamangha kang makita na ito ay puro malalaki at matatabang ugat lamang ng puno na naging tulay.
Taong 1890 nang natuklasan ng guro na si Pakih Sohan na mabilis palang makakarating sa kanilang eskwelahan ang mga estudyante kung maglalagay siya ng “bamboo frame” upang makatawid sila ng ligtas sa ilog. Hindi nagtagal at unti-unti nang tinutubuan at ginagapangan ng ugat ng Banyan trees ang naturang bamboo frame.
Sa halos 26 na taon na lumipas ay talagang naging mas matibay ang naturang tulay. Lumipas pa ng lumipas ang mga taon at talagang mas napakinabangan ng mga residente roon ang naturang tulay.
Mas marami ding mga turista ang gustong-gusto na masaksihan ito ng personal at maranasan ang dumaan dito. Sa kasamaang-palad ay matagal nang pumanaw ang guro na siyang dahilan kung kaya nagkaroon ng ganitong tulay.
Ang dating pagmamalasakit lamang sa kaniyang mga estudyante ay naging dahilan pa upang mas matulungan ang nakararami. Kung kaya naman talagang dapat bigyang pasasalamat ang guro na si Pakih Sohan, kung hindi dahil sa kaniyang naisipan na paraan ay hindi mapapadali ang buhay ng mga tao roon at hindi magkakaroon ng ganitong natural bridge sa kanilang lugar.
Dapat din na pag-ingatan at pahalagahan ng mga residente ang pambihirang tulay na ito.