Tunay ngang napakaraming bagay pa ang hindi natin nalalaman patungkol sa ating mundo kabilang na ang katubigan at kalupaan. Maaaring ang iilan dito ay maituturing na kababalaghan habang ang iba naman ay mapapatunayan ng siyensya.
Marahil marami din sa atin ang nagtataka patungkol sa maraming mga bagay sa ating paligid. Wala mang kasagutan ang lahat ng mga bagay na ito ay mayroon pa rin namang iilan sa atin ang nagsusumikap na mahanap ng solusyon at kasagutan ang mga tanong sa ating isipan.
Ang ating mundo ay binubuo ng 71 porsiyentong katubigan. Kung kaya naman talagang marami pa ang mga bagay na maaari nating matuklasan sa paglipas ng panahon.
Kamakailan lamang ay natuklasan ng mga eksperto ang nagtatago sa Philippine Rise o dating Benham Rise, ang “Apolaki Caldera”. Malaki raw ang posibilidad na ito na ang pinakamalaki sa buong mundo. Ang naturang caldera ay mayroong sukat na 150 kilometro ang lawak.
Isang magandang halimbawa na ang pagbiyahe mula sa Quezon City sa Metro Manila patungo sa Tarlac City, Tarlac na aabot ng 125 kilometro. Ayon din sa University of the Philippines Marine Science Institute Geological Oceanography Laboratory, maaaring maikumpara ang Apolaki sa “shield caldera” ng Mars’ Olympus Mons na pinakamalaking bulkan sa sa ating solar system.
Ang Apolaki na caldera ay mula sa “Filipino mythical god of the sun and war.” Ang naturang caldera ay nadiskubre ng grupo ng mga scientist kabilang si Jenny Anne Barretto, isang Filipina marine geophysicist na nakabase sa New Zealand kasama sina Ray Wood, at John Milsom.
Magkasama nilang tinatapos ang pag-aaral nila patungkol sa “physical features” ng Benham Rise. Nakakamanghang malaman na isang Pilipino pala ang nakadiskubre ng bagay na ito.
Napakarami nang mga nangyayari sa buong mundo kung kaya naman talagang hindi tayo dapat tumigil sa pagtuklas ng mga bagay na maaari ding makatulong sa atin sa hinaharap.