Taong 2016 nang umantig sa puso ng publiko anga video na ito ng isang limang taong gulang na bata na araw-araw ay inihahatid at sinusundo ang kaniyang ama sa trabaho. Ayon sa Canadian media CTV, ang batang ito ay si Jenny at ang kaniyang ama naman ay si Nelson Dodong Pepe.
Ang ama ni Jenny ay nagtatrabaho sa taniman ang buko. Dahil sa nakakaantig na video ng ama ay maraming mga tao at mga pribadong organisayon ang nagnanais na tulungan sila. Sa naturang video na talagang namang umani ng napakaraming views, comments, at reactions ay makikita si Jenny na mayroong hawak hawak na patpat upang matulungan at magabayan ang kaniyang ama sa paglalakad nila sa matatarik na daan.
Kapansin-pansin din na walang pangyapak o tsinelas sina Jenny at ang kaniyang ama. Bago pa man magsimula ang trabaho ng kaniyang ama ay bibigyan na niya ito ng tubig upang makainom muna ito.
Kapag break naman ay siya na rin mismo ang sumasama sa kaniyang ama upang makapunta ito sa bilihan ng biskwit at inumin. Ayon sa mga nauna nang ulat, ang tatay ni Jenny ay kailangan makaakyat ng 60 mga puno ng niyog sa loob ng isang araw upang makapag-uwi ito ng 300 piso sa kanilang pamilya.
Nang mas kumalat pa ang naturang video ay nakausap na nila ang ABS-CBN Foundation na nagsabing handa raw silang tumulong sa mag-ama. Pinaluwas nila si Tatay Pepe sa Maynila at doon na nga natuklasan ng mga doktor na mayroon siyang “retinal detachment” at “retinitis”.
Ipinahayag din naman ng ABS-CBN na tutulungan nila ang pamilya na magkaroon ng “livelihood training” at makalipat sa mas ligtas na tirahan. Sa ngayon ay marami nang natanggap na tulong ang pamilya. Labis labis ang pasasalamat nila dahil hindi na sila sobrang mahihirapan pa.
Ito ay dahil sa tulong ng mga mabubuting tao at mga organisasyon na walang ibang nais kundi ang makatulong sa mga taong nangangailangan.