Isang mabuting Samaritano ang nakakita ng kawawang pusa na ito sa lansangan. Tinawag niya ang pusa na agad din namang lumapit sa kaniya.
Napakaamo nito at napakalambing – hindi mo aakalain na isa itong pusa na nakatira sa kalye! Ang mabait na ginang na nakakita sa pusang ito ay walang iba kundi si Gissell na isang volunteer sa NYCCC.
Muli niyang hinanap at binalikan ang pusa sa Brooklyn, New York. Sa harap ng homeless shelter niya ito natagpuan habang nakahiga sa malamig na sahig.
Nang marinig ng pusa ang pagtawag niya ay muli na naman itong lumapit sa kaniya at tulad ng dati ay napakaamo pa rin nito at napakalambing. Dahil sa pagiging malambing nito, batid ni Gissell na hindi dapat ito nakatira sa lansangan.
Kung kaya naman gumawa siya ng paraan upang magkaroon ng “foster home” ang pusa.
“I’m here to get you today. Today is your day. You have waited long enough,” Sambit ni Gissell sa pusa.
Inuwi niya sa kanilang bahay ang pusa at kinausap ang Little Wonderers NYC na isang local rescue group.
“I never have to pass by this shelter and see this cat curled up again in this weather. This cat was too friendly to be in the street.” Dagdag pa niya.
“Because of his size, his rescue team assumed he was a very pregnant mama! It turns out he is a very big neutered boy,” Pahayag naman ni Melina na isa sa mga volunteer ng Little Wanderers NYC.
Matapos nilang dalhin sa doktor ang pusa ay tinulungan nila itong makahanap ng mag-aampon sa kaniya. Sa kabutihang-palad ay agad namang may nagmensahe sa kanila at nagpaabot ng kanilang interes na ampunin na nga ang pusa.
Pinangalanan daw nila itong Crookshanks na palagay nila ay nasa anim na taong gulang na. Sa ngayon ay nasa mabuti na siyang kalagayan kasama ang kaniyang bagong pamilya.