Marami tayong kinakaharap na suliranin at problema sa araw-araw. Madalas ay hindi na natin alam ang ating gagawin sa mga ito at tila ba gusto na rin nating sumuko ngunit dumarating pa rin talaga ang pagkakataon kung saan mas nagiging matatag at positibo tayo.
Marahil ay ilan lamang ito sa mga natatanging katangian ng maraming mga Pilipino. Ngunit maliban sa mga suliranin at problemang kinakaharap natin ay ang problema din natin sa ating kapaligiran lalong-lalo na patungkol sa ating planeta.
Ito ang dahilan ng isang lalaki kung kaya naman nagpanggap ito bilang isang matandang babae upang makalapit sa sikat na artwork na Mona Lisa. Noon pa man ay marami na ang humahanga sa obra na ito dahil sa talagang mayroong espesyal at kakaiba sa mukha at sa hitsura ng babae sa naturang painting.
Mayroon din namang kaniya-kaniyang interpretasyon ang marami patungkol dito. Hanggang sa ngayon ay nagsisilbi pa ring palaisipan sa marami ang tunay na kahulugan ng naturang painting.
Kamakailan lamang ay mayroong isang lalaking nagpoprotesta at pinahiran ng cake ang Mona Lisa. Isang 36 na taong gulang na lalaki ang inaresto at kaagad na dinala sa isang psychiatric facility matapos nitong lagyan at pahiran ng cake ang artwork na si Mona Lisa.
Ayon sa naturang lalaki, ginawa niya ito bilang pagprotesta sa mga artists na hindi binibigyang-pansin ang pangangalaga at pagprotekta sa ating kapaligiran. Ang likhang ito ni Leonardo da Vinci ay madalas nang maging target ng vandalism noon pa man.
Buti na lamang at bulletproof ang glass case nito kung kaya naman hindi ito nasira o nadumihan. Tunay nga na dapat tayong maging maingat sa lahat ng pagkakataon lalo na sa mga ganitong sitwasyon.
Hindi natin alam kung kailan at paano natin mararanasan ang ganitong klase ng mga tagpo na nangyayari pa sa isang pampubliko ng lugar tulad na lamang ng lugar kung nasaaan ang naturang painting.