Kilalanin si Gimo, ang pusa na mayroong pinakamalaking mata sa lahat ng mga pusa!

Maraming magandang naidudulot sa atin ang pag-aalaga ng mga hayop. Kung noon ay naging patok ang pag-aalaga ng mga halaman buhat nang magkaroon ng pandemya sa buong mundo, ngayon naman ay mas marami ang nagkakaroon ng interes na kumuha ng sarili nilang alagang hayop.

Halimbawa na lamang sa mga ito ay ang mga aso, pusa, ibon, isda, hamster, kuneho, at marami pang iba. Kahit pa nga mga exotic na uri ng hayop ay talagang inaalagaan din ng ilan sa atin.

Sa pag-aalaga ng mga hayop na ito – marami sa atin ang nagiging kasama sila sa bahay at sa ating mga buhay, mayroon din namang mga hayop na sinanay upang maging mga emotional support animal na marami din sa atin ang nangangailangan. Para naman sa karamihan, gusto lamang din talaga nila ang magkaroon ng aalagaang hayop na kahit papaano ay makapag-aalis ng kanilang lungkot o ng kanilang stress sa araw-araw.

Isa na marahil sa pinaka-cute na hayop sa social media sa ngayon ay si Gimo. Siya ay isang Scottish fold cat. Sino ba namang hindi matutuwa sa kaniyang napakacute na hitsura?

Talagang mapupukaw ang iyong atensyon sa napakalaking mga mata nito. Kulay itim si Gimo kung kaya naman kitang-kita ito saan man siya magpunta.

Kinatutuwaan din ng kaniyang mga amo ang hitsura ni Gimo lalo na kung ito ay naglalaro, kung ito ay nakatayo, habang kumakain, o sa tuwing pupunta siya sa kaniyang paboritong lugar. Tunay nga na sa hitsura pa lamang niya ay gagaan na ang iyong pakiramdam at mas gagaan na ang iyong mga problema.


Sa sobrang ka-cutean nito ay hindi na nakapagtataka na mas dumarami na ang mga tagahanga niya online. Maraming mga netizens ang nagkokomento kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata at ang kaniyang hitsura. Hindi rin daw lahat ng pusa ay katulad niyang cute at napaka-fluffy!