Isang pambihirang aso na handang protektahan ang kaniyang amo, nagpahanga sa publiko!

Noon pa man ay batid na ng nakararami sa atin na hindi talaga matatawaran ang pagiging tapat ng mga alaga nating aso. Walang katumbas ang pagmamahal at proteksiyon na natatanggap natin mula sa kanila.

Hindi na rin nakapagtataka na tagurian sila bilang “Man’s bestfriend”. Ang ginawa ng isang alagang aso na ito ay nagpamangha sa marami.

Sa Columbia, isang lalaki ang nahuling nakahiga sa gitna ng daan at maraming mga sasakyan ang naaabala nito. Hindi pa batid ng mga taong naroroon ang kalagayan ng lalaking ito dahil nakabantay dito ang alaga niyang aso.

Marami ang nagulat ngunit natuwa sa naging reaksyon ng aso na ito lalo na sa pagprotekta nito sa kaniyang amo. Walang isang segundo man lamang na hindi naging alerto ang aso para lalaking nakahiga sa kalsada.

Marami na ang nakahalata na ang lalaking ito ay lasing at nakatulog na lamang basta sa lansangan. Ngunit sa kabila nito ay hindi siya iniwanan ng kaniyang aso.

Marahil, akala ng lalaking ito ay nasa kaniya siyang higaan at mahimbing na natutulog. Ang hindi niya alam ay marami nang mga motorista ang nagagalit dahil sa abala na kaniyang idinulot nang araw na iyon.

Wala talagang makalapit sa lalaki na kahit sino dahil sa tuwing may magtatakang lumapit dito ay agad na aangil ang aso. Ilang minuto pa ang lumipas at unti-unti nang gumagalaw ang lalaki mula sa kaniyang pagkakahiga.

Hindi rin nagtagal at tuluyan na nga itong bumangon at tinapik-tapik pa ang kaniyang aso bilang pagpapasalamat sa ginawa nito para sa kaniya. Hindi naman nakaligtas sa parusa ang lalaki dahil sa ginawa nito ay kailangan niyang magbayad ng kaukulang danyos dahil sa abalang nagawa niya.

Marami man ang naiinis dahil sa ginawang ito ng lalaki, marami naman ang humanga sa aso dahil ginawa nito ang lahat maprotektahan lamang ang kaniyang amo na nang mga panahong iyon ay lasing lang pala.