Marami ang bumilib sa konduktor na ito ng tren dahil sa ginawa niyang pagpapahinto sa kanilang tren para lamang mailigtas ang isang asong na-trap. Kundi dahil sa kaniya at tiyak na malalagay sa matinding kapahamakan ang naturang aso.
Ang mabuting konduktor ay mula pa sa Santiago, Chile. Ayon sa ilang mga ulat, pwede namang tumawag na lamang ng tulong ang konduktor upang maialis ang na-trap na aso.
Ngunit mas minabuti nitong ihinto ang kanilang tren, bumaba at siya na mismo ang tumulong sa kawawang aso. Ang pasahero na si Vanesa Lira Machuca ang siyang kumuha ng video at nagbahagi nito online.
Ang matapang na konduktor mismo ang makikita na gumagawa ng paraan upang mailigtas ang aso. Naging maingat din ito sa paghahawak ng aso dahil maaari din siyang kagatin nito.
Gayun pa man ay hindi ito naging dahilan upang hindi niya tulungan ang kawawang hayop. Buti na lamang at naging matagumpay ang ginawa ng konduktor at nailigtas niya ang aso mula sa kapahamakan.
Matapos niyang makuha ang aso sa pamamagitan ng paghawak sa bandang leeg nito ay agad na niya itong ibinigay sa isang railway employee upang masigurado ang kaligtasan nito.
“I apologize for the delay, but I couldn’t just run over the dog,” Pahayag ng konduktor pagbalik nito sa kanilang tren.
Pinuri din naman ng mga pasahero ang konduktor sa ginawa nitong kabutihan sa kawawang aso. Tunay nga na marami pa rin sa atin ang mayroong mabuting puso at nagagawa pa ring tumulong hindi lamang sa kanilang kapwa kundi maging sa mga hayop na nangangailangan ng tulong, saan man at kailan man.
Nawa ay maging isang inspirasyon din ang konduktor na ito sa atin upang mas gumawa pa tayo ng maraming mabubuting gawa sa mga tao at hayop sa ating paligid. Mas masarap pa rin sa pakiramdam ang pagtulong na ito sa mga mas nangangailagan.