Isang araw, nakatagpo si Michael Farmer ng kakaibang hayop sa isa sa kaniyang mga property sa Costa Rica. Isang maliit at makisap na bagay ang nasa dahon ng puno ng bayabas na ito.
Talaga namang namangha siya nang makita ito ay ninais niya agad kuhanin at tingnan ito ng malapitan. Ngunit bigla itong gumalaw at gumapang.
Noon lamang niya napagtanto na marahil ito ay isang maliit na hayop. Kalaunan ay natuklasan niya na ang natagpuan niya palang makinang na bagay ay itinuturing na “World’s rarest beetle”, ang “Chrysina Limbata”.
Ito ay isang specie na kilala sa pagkakaroon ng “ silvery” at “reflective shells”. Nang kuhanin at hawakan niya ito ay hindi na ito gumalaw pa na tila nagpanggap na ito ay wala nang buhay.
Ito ang naging hudyat upang mas masilayan pa niya ito nang malapitan.
“I was amazed by how beautiful it was. [I’ve] never seen anything like it.” Pahayag ni Farmer.
Hindi naman din niya nakalimutan na kuhanan ito ng mga larawan. Maraming mga netizens ang nagkomento at nagpahayag ng kanilang mga reaksyon sa naturang salagubang dahil talaga namang napakaganda at nakakamangha ang hitsura nito.
“[It] was like a mirror. Utterly flawless reflection in the beetle,” he said. “Truly one of the most beautiful things I’ve ever seen.” Dagdag pa ni Farmer.
Ang mga species din palang ito ay matagal nang itinuturing na “endangered” dahil na rin sa pagkasira ng kanilang mga natural na tirahan kung kaya hindi na sila nakapagpaparami pa. Hinuhuli rin sila at ibinebenta sa mga “collectors”.
Para naman kay Farmer, hindi raw siya naniniwala sa mga pagbili at pagbebenta ng mga ganitong klase ng hayop. Agad naman daw niyang ibinalik ito sa puno kung saan ito ay malayang lumipad papalayo sa kanilang lugar.
Bagamat pinakawalan niya kaagad ang golden beetle na ito, sigurado siyang hinding-hindi niya ito kaagad na makakalimutan lalo na sa pambihirang ganda nito na noon lamang niya nakita.