Isang batang mayroong Down syndrome, nakikipaglaro sa isang aso na tila ba gustong-gusto rin siya!

Marami na rin sa atin ang nakarinig ng mga pangaral mula sa ating mga magulang, lolo o lola lalo na kung patungkol sa mga taong kinakaibigan natin. Kamakailan lamang ay mayroong isang video ng batang may Down syndrome na masayang nakikipaglaro sa isang aso.

Talagang naantig ang publiko dahil kadalasang iniiwasan o nilalayuan ang mga batang may kapansanan tulad niya. Ngunit hindi para sa kaibigan niyang aso na isang Labrador.

Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mata. Ang batang mayroong down syndrome ay nakilala sa pangalang Hernan.

Samantalang ang aso naman ay nakilala bilang si Himalaya, siya ang aso ng tito ni Hernan. Isang araw ay pumasyal ang tito ni Hernan sa kanilang tahanan at sinama ng kaniyang tito ang alaga nitong Labrador.

Sa video ay makikitang nagtitinginan muna ang dalawa na tila ba kinikilala muna ang isa’t-isa. Matapos nito ay unti-unti nang nagiging malambing ang aso sa bata at nilalaro na ito.

Hindi rin naman nagpaawat si Hernan at talagang nilaro na rin niya ang aso. Hindi lamang tayong mga tao ang maaaring magpakita ng tunay na pakikipagkaibigan sa ating kapwa.
Dahil kayang-kaya din naman ito ng mga hayop. Madalas nga na sila pa ang nagpapamalas ng katapatan at pagmamalasakit na walang katulad.

Batid naman nating lahat ang kasabihan na “Dogs are men’s best friend.” Marami na rin tayong nabalitaang kwento ng mga indibidwal at mga alaga nilang aso na talagang tunay na nagpapakita sa kanila ng pagkakaibigang walang makapapantay.

Kung kaya naman sana ay nakapagbigay din ng mensahe ang video na ito sa publiko na hindi dapat husgahan ang kahit sino man, bata man o matanda, may kapansanan man o wala. Dahil lahat tayo ay pantay-pantay lang din sa mata ng Diyos.

Mas marapat na igalang at respetuhin natin ang isa’t-isa at patuloy na gumawa ng mabuti sa ating kapwa.