Ilang construction workers na ito ang gumamit ng cement mixer bilang washing machine!

Isa ka rin ba sa mga nanay na ayaw na ayaw na naglalaba, nagsasampay, at nagtutupi ng mga damit? Ngunit kahit gaano pa man natin kaayaw ang gawaing-bahay na ito, wala naman tayong magagawa kundi gawin din ito dahil sa walang ibang maglalaba para sa atin at sa ating pamilya.

Totoo namang mahirap, nakakapagod, at talagang nakakasawa itong gawin. Ngunit isa rin itong pagpapakita ng pagmamahal at pagkalinga natin sa ating mga mahal sa buhay.

Kamakailan lamang mayroong ilang mga video ang lumalabas sa social media kung saan makikita ang ilang mga indibidwal na naglalaba sa pamamagitan ng isang cement mixer at hindi washing machine! Kuha ang naturang video na ito sa Tinangis, Pili sa Naga, Camarines Sur kung saan makikita ang katuwaan ng mga construction workers habang ginagamit nila ang kanilang cement mixer na panglaba!

Ayon sa naturang video na ibinahagi ng netizen na si John Evan Haboc, katatapos lamang ng shift ng mga lalaking ito at napagkasunduan nila na maglaba. Tulad ng iba pang mga construction worker sa ating bansa, marahil ay nakatira lang din sila sa lugar kung saan sila nagtatrabaho.

Talagang mahirap ang buhay doon kung kaya naman sa pamamaraan sigurong ito ay nababawasan ang kanilang kalungkutan at pangungulila sa kanilang mga pamilya. Makikita rin sa maiksing video kung paano ilagay ng mga kalalakihan na ito ang tubig at damit sa naturang makina.


Habang nagkakasiyahan sila, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na magkomento patungkol sa naturang video. Nag-aaksaya lamang daw ang mga ito ng kanilang oras at panahon sa kanilang ginagawa.

Habang mayroong mga netizens na tila hindi natutuwa sa kanilang ginawa, mayroon din namang mga netizens ang natutuwa sa kanilang katuwaan. Hayaan na lamang daw sila na maging masaya sa kung anong ginagawa nila. Wala rin namang nasaktan o naagrabyado sa naturang video.