Hiker, labis ang pasasalamat sa pusa na ito na nagsilbing gabay niya pababa ng bundok sa Switzerland!

Hiker, labis ang pasasalamat sa pusa na ito na nagsilbing gabay niya pababa ng bundok sa Switzerland!

Isang araw, mayroong isang hiker na nawawala sa Gimmelwald, Switzerland habang siya ay umaakyat sa Alps. Buti na lamang at mayroong isang pusa na nagsilbi niyang gabay pababa ng bundok.

“Gimmelwald is a tiny, tiny stunningly beautiful village. I actually got ‘lost’ in the surrounding mountains. It was the end of ski season when I got to Lauterbrunnen, so the lifts weren’t working and some of the trails were closed,” Pagsasalaysay ng naturang hiker.

“I was checking my map to see how I can get back to the hostel, and the only official way down was through a trail that was closed. And that’s how I met that handsome cat.” Dagdag pa niya.

Nang sinubukan na niyang tumayo ay agad din daw siyang sinundan ng pusa na tila nagpapahiwatig na alam niya ang tamang daan kung kaya naman sinundan niya ito. Kahit siya ay isang estranghero ay naging mabait raw ang pusa na ito sa kaniya kung kaya naman labis ang kaniyang pasasalamat.

“This was the only cat I saw… She wasn’t really randomly wandering the mountains, rather I think she lives in the town I was in (Gimmelwald). She was walking and kept looking at me to follow, led me straight to the path that would take me back down to the valley.” Pagpapatuloy niya ng kaniyang kwento.


Kinuhanan daw niya talaga ng video ang naging pagtulong sa kaniyang ito ng pusa. Sa pagtatapos raw ng video na iyon ay agad din naman silang naghiwalay ng pusa dahil sa kinailangan na niyang bumaba ng bundok at bumalik na ang pusa sa teritoryo na pinoprotektahan nito.

Nang maisapubliko ang video na iyon ay mas marami pang mga tao ang nakakilala sa naturang pusa. Maging sila pala ay natulungan at nagabayan rin ng pusa na ito nang minsan silang maligaw ng kanilang daan habang umaakyat ng bundok.