Marami sa atin ngayon ang talagang nahihilig sa pag-aalaga ng mga hayop. Ilang mga pamilya na rin ang mayroong aso, pusa, isda, ibon, hamster, at iba pang mga uri ng hayop bilang kanilang mga pet.
Talaga namang alagang-alaga ang mga ito magmula sa pagkain, damit, laruan, tirahan, pagbisita sa doktor at marami pang ibang pagkakagastusan ng mga fur parents ngayon kung tawagin. Dahil sa mga pet na ito kung kaya naman mas nababawasan ang stress ng marami sa atin sa trabaho o maging sa personal na aspeto ng buhay.
Kamakailan lamang ay nagdala rin ng good vibes sa publiko ang isang uri ng ibon na naging isang photobomber sa highway traffic camera. Kung para sa iilan, nakaka-bored ang manuod ng mga traffic cameras na ito dahil mga sasakyan lamang ang makikita roon, marami ang natuwa sa ginawang pag-photobomb na ito ng isang ibon.
“This morning, we received a special visit there in one of the cameras,” Komento ng camera operator.
Kalaunan ay nadiskubre na ang ibon na photobomber ay isa palang “turquoise-fronted parrot”. Maiksi man ang oras na nasilayan ng publiko ang naturang parrot ay naging kakaibang karanasan pa rin ito para sa kanila.
Tunay nga na kakaibang ligaya at saya ang naidudulot sa atin ng mga hayop na ito sa ating paligid. Kung kaya naman nararapat lamang na pakaingatan at alagaan natin sila sa abot ng ating makakaya.
Sana ay matuldukan na ang mga pang-aabuso sa mga hayop na ito at ang walang habas na paghuli at pagkitil sa kanilang mga buhay. Sana ay mas mabigyan pa sila ng laya na manirahan sa kanilang mga natural na tirahan at mas makapagparami pa ng lahi.
Dahil kung hindi tayo magkakaisa na maprotektahan ang mga hayop na ito, tiyak na unti-unti na silang mauubos at hindi na sila masisilayan pa ng mga susunod na henerasyon.