Isang mabait na pusa ang tumulong sa naliligaw na hiker na ito na makababa ng bundok ng ligtas!

Marami sa atin ang labis nang nagiging abala sa trabaho, personal na buhay, at marami pang mga kaabalahan sa araw-araw. Madalas ay nakakalimot na tayo na mag-ehersisyo o di kaya naman ay gawin ang mga bagay na hilig natin.

Isa na marahil sa mga patok na mapaglilibangan ngayon ay ang “hiking”. Masaya ito at talagang nakakatanggal ng stress.

Ngunit dapat din tayong maging maingat dahil maraming maaaring mangyari habang tayo ay umaakyat o bumababa ng bundo. Tulad na lamang halimbawa ng naging karanasan ng isang hiker na ito.

Naligaw siya habang bumababa siya ng Alps sa Gimmelwald, Switzerland. Buti na lamang at mayroong pusa na tumulong sa kaniya.

“Gimmelwald is a tiny, tiny stunningly beautiful village. I actually got lost in the surrounding mountains. It was the end of the ski season when I got to Lauterbrunnen, so the lifts weren’t working and some of the trails were closed.” Pahayag nang hiker.

Nag-detour siya hanggang sa hindi na niya namalayang naliligaw na pala siya. Buti na lamang at nagtagpo ang landas nila ng mabait at matulungin na pusang ito.

“I was checking my map to see how I can get back to the hostel, and the only way down was through a trail that was closed. And that’s how I met that handsome cat.” Dagdag pa niya.

Nang napagod siya at namahinga siya sandali, hanggang sa tila nangusap sa kaniya ang pusa at tinuro ang tamang landas na dapat niyang tahakin pauwi.

“As soon as I got up she started guiding me along some path. She seemed super friendly considering I was a total stranger, must be used to the tourist crowd that comes annually in that region.”

Para sa hiker, laking pasasalamat niya at nagkrus ang landas nila ng pusa na ito. Batid daw niyang hindi ligaw ang pusa at talagang malapit lang ang tirahan nito sa kung saan sila nagkita nung una.

Marahil ay marami na din daw natulungan ang pusang ito na tulad niya ay minsan ding naligaw sa bundok.