Isang ginang ang ginawang “hospice” ang ginawang hospice ang kaniyang tirahan para lamang maalagaan ang higit sa 250 na mga aso!

Isang ginang ang ginawang “hospice” ang ginawang hospice ang kaniyang tirahan para lamang maalagaan ang higit sa 250 na mga aso!

Si Helen Wirt ay isang pambihirang tao na talagang mayroong pagmamalasakit at pagmamahal mga aso na inabandona na ng kanilang mga dating pamilya. Mahigit 200 na ang mga aso na kaniyang inaalagaan sa ngayon.

Mula nang siya ay magkaisip hanggang sa umedad siya ng 50 taong gulang ay hindi pa siya magkakaroon ng sarili niyang aso ngunit hindi ito naging hadlang upang magkaroon siya ng dedikasyon na alagaan ang mga kawawang aso na ito. Taong 1997 nang magsimula ang adbokasiya niyang ito.

Nang mga panahon na ito ay pumanaw ang kaniyang ama at naghiwalay naman sila ng kaniyang mister. Talagang hindi naging madali ang mga pinagdaanan niyang ito.

Dito na niya nakilala ang aso na si Baldwin na ibinigay lamang sa kaniya.

“He saved and changed my life. I cannot explain what was going on inside me. Maybe I felt beloved for the first time in my life.” Pahayag ni Helen.

Dahil sa naging karanasan niyang ito ay hindi na siya tumigil pang tumulong sa mga hayop na nangangailangan partikular na nga ang mga asong ligaw. Maging ang kaniyang tirahan sa San Ramon, Costa Rica ay ginawa na niyang hospice o iyong lugar na tinutuluyan ng mga hayop na nasa kritikal nang kondisyon.

Tinawag niyang “Dogland” ang tahanan niyang ito. Kahit na namapayapa na si Baldwin ay nagpatuloy pa rin siya sa pagkupkop at pag-aalaga ng mga asong nangangailangan ng kaniyang tulong.

Araw-araw niyang tinutulungan ang nasa mahigit 250 bilang ng mga aso. Laking pasasalamat din niya dahil sa paglipas ng panahon ay mas marami pang mga tao ang tumulong at patuloy na tumutulong sa kaniyang nasimulan.

Sinisigurado ni Helen na ang mga aso na mapupunta sa Dogland ay mapapakain, mapapasuri sa doktor, mababakunahan, spayed/neutered, at talagang maaalagaan ng husto. Tunay ngang dapat hangaan at tularan ang mga taong katulad ni Helen.