Isang cute na tuta na nakamasid habang bumubuhos ang ulan, kinagigiliwan ngayon ng publiko!

Sa paglipas ng panahon ay marami nang naituro sa atin ang mga paborito nating hayop. Halimbawa na lamang ang mga alaga nating aso, pusa, at marami pang ibang nakakatuwang mga hayop.

Kamakailan lamang isang tuta ang talagang kinagiliwan ng husto ng publiko. Nakuhanan kasi ng larawan ang isang tuta na tila relaks na relaks habang nakatanaw sa malayo sa gitna ng bumubuhos na ulan.

Marahil marami sa atin ang inis na inis sa ganitong klase ng panahon dahil talagang hindi komportable ang mabasa sa gitna ng ulan. Hindi rin nakakatuwang pumasok sa eskwela o sa opisina habang matindi ang ulan sa labas.

Ngunit tila ba muli na naman tayong tinuruan ng tuta na ito na tumigil, huminto muna at namnamin kung ano ang mayroon sa ating paligid. Hindi naman palaging masama ang naidudulot ng mga bagay na ito sa atin.

Madalas ay mayroon din itong magandang naidudulot tulad na lamang ng mga simpleng bagay na noon ay hindi na natin nabibigyang-halaga. Maraming mga netizens ang nagbahagi ng kanilang mga komento at reaksyon patungkol sa larawan na ito ng tuta.

Napansin din nila na naka-cross pa ang mga legs nito na animo ay isang taong relaks na relaks sa kaniyang nakikita.


“It’s the simple things in life, such a cute little dog, love the way his little legs are crossed.” Komento ng isang netizen.

“This little dog has got it so right. Enjoy the simple things in life the things most of us let pass by. Like everyone else I love the crossed legs so relaxed.” Pahayag pa ng isa.

Talaga namang nakakatuwang makakita ng ganitong mga klase ng larawan. Ipinapaalala sa atin na hindi tayo dapat mag-alala ng husto sa maraming mga bagay sa ating paligid.

Bagkus ay matuto tayong huminto at magpasalamat dahil nabigyan tayo ng pambihirang pagkakataon na masaksihan ang mga bagay na nasa ating harapan.