Naging inspirasyon si Chantal Serafico matapos niyang ibahagi ang kanyang kahanga-hangang tagumpay sa mundo ng pagnenegosyo.
Katulad ng maraming negosyante sa ating bansa, nagsimula rin ang dalaga sa kanyang negosyo na may kaunting puhunan at wala o kaunti man lang naniniwala sa kanya. Ngunit ang kanyang matibay na paniniwala at tiwala sa kanyang sarili ang nagtulak sa kanya upang patuloy na ipaglaban ang kanyang pangarap at magtagumpay sa kanyang negosyo.
Naniniwala siya sa kasabihang “Kung kaya ng iba, kaya ko rin.” At patuloy siyang nagsisikap sa mga bagay na alam niyang makakatulong upang maabot ang kanyang pangarap at magtagumpay sa negosyo.
May mga pagkakataon na nadapa at pumalpak siya, ngunit hindi ito naging hadlang upang tumigil sa kanyang pangarap. Sa halip, natuto siya mula sa kanyang mga pagkakamali at nakapagpatuloy hanggang sa maabot niya ang tagumpay.
“Laban para sa Pangarap.
Hi! Ako po si Chantal Serafico. Isa sa mga kabataan lumalaban para sa kanyang pangarap. Para sa pamilya .Lahat na ata ng Raket Pinasok ko na hahaha! Kasi ayaw ko na bumalik sa buhay namin dati. So i started working. I do Modeling then after non nag Call center ako up to this day nag call center parin ako at may mga sideline sideline na endorsement na awa ng dyos medyo effective pala ako ng super micro mini influencer hahahhaa!
Endorsement shoots, pageants and nag try din mag tinda tinda before ng kung ano ano para may pang bayad ng mga bills and para maka survive araw araw.””Sabi nila ambisyosa daw ako, masyado daw mataas pangarap. So anong ginawa ko? Sa sobrang dami ng nanghuhusga at sa sobrang dami ng rejections at sa dami ng mga tao minsan kakilala mo pa nga. na hindi masaya na nakikita akong nag iimprove, parang nagka kalyo na ang isip ko. Nawalan nalang ng pake. Naloka na kung baga. Ahahahaha charaugt.!
Nasanay nalang ako. And then dumating nalang yung point na narealized ko na, “KAILANGAN KO MAG MOVE FORWARD SA LIFE”. Yung deadma na lahat sa mga pang aalipusta nila saken. Hahaha kaya nauso yung word saken na “Deadma ko sa Kanila.” Try nyo effective.
Kasi kung papansinin ko lang sila, sayang yung time ko e. So i keep in mind na mag Invest time ng time for Myself, to my family, to my friends and to those people who invested their trust and time for me.I am thankful that i have my bestfriend! na kahit lagi kaming magka away e never nya ko sinukuan. He invested his time and effort to teach me anything he learned from business. And i am so thankful. Nag fofocus ako ngayon sa goal ko at sa mga taong nagtitiwala saken at sa mga tao na gusto ko ding tulungan. Sa pangarap ko at sa pamilya ko.
Napagtanto rin niya na hindi dapat ikumpara ang sarili sa iba. Mas mainam na pahalagahan ang mga biyaya na dumadating sa atin at maging masaya sa tagumpay ng iba. Ito ay nagbibigay ng inspirasyon upang mas pag-ibayuhin pa ang sariling pagsisikap.
Ngayon, masayang ibinahagi ni Chantal na nakamit na niya ang tagumpay sa kanyang negosyo na ISLA.Co. Marami na ang tumatangkilik at sumusuporta sa kanyang mga produktong ginagawa. Bukod sa mga ordinaryong mamimili, pati na rin mga sikat na personalidad sa showbiz at mga artista na iniidolo niya ay gumagamit na rin ng kanyang mga produkto.
Kabilang sa mga artista na sumusuporta sa kanyang negosyo ay sina Cristine Reyes, Pokwang, Elisse Joson, at iba pa. Makikita sa mga larawan na ibinahagi niya kung gaano kalaki ang pagbabago mula sa kanyang humble beginnings hanggang sa kasalukuyan.
Ang kwento ni Chantal ay nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga nagnanais na magtayo ng sariling negosyo.
Patuloy na pagpupunyagi, matibay na paniniwala sa sarili, at pagpapahalaga sa bawat tagumpay ay makakatulong upang maabot ang pangarap.
“Ang pangarap ko na makita kong suot ng bawat isa sa inyo ang aking produkto ay unti-utni ng natutupad. Maraming salamat”