Kambal na magkapatid na inabandona ng kanilang mga magulang, inampon ng magkaibang pamilyang naninirahan sa magkabilang dako ng mundo!

Taong 2004 nang mayroong natagpuan na kahon sa isang liblib na nayon sa Changsha, China. Ang kahon na ito pala ay naglalaman ng dalawang sanggol na inabandona ng kanilang mga magulang.

Nang malaman ng mga residente na sanggol ang laman ng naturang kahon ay agad nila silang dinala sa isang bahay-ampunan. Doon ay inalagaan ang mga sanggol at kalaunan ay hinanapan ng mga pamilyang mag-aampon sa kanila.

Sa kabutihang-palad ay agad din namang nagkaroon ng mag-aampon sa dalawang sanggol – ang isang mag-asawa ay mula sa Norway habang ang isa naman ay mula sa Estados Unidos.

Noong una ay hindi pa batid ng dalawang pamilyang kambal ang mga sanggol na kanilang inampon. Ngunit tinadhana talagang magkita ang magkapatid.

Bumili ang parehong mag-asawa ng isang pulang bistida para sa mga sanggol. Ang mag-asawang Hauglum mula sa Norway nakabili doon ng naturang bistida na agad naman nilang ipinasuot sa isa sa mga sanggol habang ang mag-asawang Hansen naman ay nakabili rin ng parehong bistida sa pamilihan.

Nang paalis na ang dalawang pamilya sa bahay-ampunan ay bigla na lamang nagkabangga ang dalawang ina dahilan upang mapansin nila ang kargang sanggol ng bawat isa. Hindi lamang magkamukha ang kanilang mga bistida kundi magkamukhang-magkamukha rin ang kanilang mga hitsura.


Nagulat ang dalawang pamilya ngunit ito rin ang naging dahilan upang magkapalagayan sila ng loob. Nalaman nila ang intensyon ng bawat isa kung bakit sila nagtungo sa China.

Natuklasan din nilang magkaparehas din ng kaarawan ang dalawang sanggol. Nang tanungin naman nila ang bahay-ampunan kung kambal nga ba ang dalawa, tinanggi naman nila ito.

Dahil dito ay nagpasya na lamang ang dalawang pamilya na iwanan ang numero nila sa isa’t-isa upang kahit papaano ay mayroon pa rin silang komunikasyon. Hindi nagtagal at nagdesisyon din ang dalawang pamilya na magsagawa ng DNA test kung saan nalaman nilang “identical twins” pala sina Alexandra Hauglum na nakatira sa maliit na bayan ng Fresvik sa Norway.

Habang si Mia Hansen naman ay namulat sa pamumuhay sa siyudad kasama ang kaniyang mababait na mga “adoptive parents”.