Ang bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang problema at pagsubok na pinapasan araw-araw. Talaga namang mahirap at madalas ay gusto na nating sumuko dahil sa mga ito ngunit sadyang mas marami tayong dahilan upang mas lumaban sa mga hamon ng buhay.
Kamakailan lamang ay marami ang naantig sa kwentong ito ng isang PWD na estudyante. Ang kaniyang butihing guro mismo ang nagbahagi ng kaniyang kwento online.
Ang guro na ito ay nakilala bilang si Sir Christian. Ayon sa kaniyang naging salaysay, unang araw ng kanilang klase noon nang nag-orientation daw ito agad sa klase at doon na nga niya nalaman ang sitwasyon ng kaniyang estudyanteng si Divina Camelle Kapalac Tampus.
Siya ay nag-aaral sa Cebu Technological University. Kumukuha siya ng kursong Bachelor of Elementary Education.
Siya ay may kapansanan sa kaniyang mga mata. Hindi na raw makakita pa ang isang mata nito habang ang isang mata naman niya ay malabo o “blurry” na.
Sa kabila nito ay hindi naman nagpaawat si Divina bagkus ay talagang mas nagsusumikap pa ito sa pag-aaral. Malibana sa larawan at videos ni Divina ay naibahagi rin ng kaniyang guro ang lugar sa kanilang bahay kung saan siya gumagawa ng kaniyang mga aralin.
Mayroon siyang isang maliit na lamesa at ilaw sa kanilang tahanan kung saan doon siya nagbabasa at nagsusulat. Kasama niya sa kanilang tahanan ang kaniyang ina at ang kaniyang lolo at lola.
Marami namang mga netizens ang naantig sa kwentong ito ni Divina. Nais nilang tumulong sa kaniya na makapagpatingin sa espesyalista o di kaya naman ay magbigay ng pambili ng kaniyang salamin.
@christ_ian04 Nahihirapan peru lumalaban. #foryou #trending #ctustudentlife ♬ Fight Song (Instrumental Version) – Soft Background Music
Laking pasasalamat din naman ni Divina sa dami ng mga taong gustong tumulong sa kaniya at sa mga taong nabigyan niya ng inspirasyon sa buhay. Tunay nga na kung kaya ni Divina na magpakatatag at manatiling positibo sa buhay, tiyak na magagawa rin ng bawat isa sa atin.