Isang pusa na nawalan ng amo, araw-araw na binibisita ang libingan nito sa loob ng isang taon!

Isang pusa na nawalan ng amo, araw-araw na binibisita ang libingan nito sa loob ng isang taon!

Marami ang nagulat sa pusang ito mula sa Java, Indonesia dahil sa isang buong taon nitong hindi iniwanan ang libingan o puntod ng kaniyang amo! Ayon kay Keli Keningau Prayitno, 28 taong gulang, naglalakad siya noon nang mapansin ang isang pusang ito na tila ba umiiyak sa harap ng isang asul na puntod.

Ninais niyang tulungan at ampunin sana ang naturang pusa ngunit palagi rin daw itong bumabalik sa naturang libingan. Dagdag pa niya, araw-araw daw bumabalik sa dati n ilang tahanan ang pusa upang doon ay pakainin siya ng mga anak ng kaniyang amo at pagkatapos ay babalik itong muli sa puntod ng nasirang amo.

Tila ayaw umalis ng pusa sa puntod ng kaniyang amo kahit pa nga pakainin at painumin na ito ng mga taong napapadaan sa naturang puntod. Talagang gugulong pa raw ito sa lupa at natutulog pa roon gabi-gabi.

“Since the cat’s mother died she has stayed here at the grave. She does not want to go home. She has been here for almost a year. I thought she was homeless and tried to help but every time she would keep returning to the same place.” Pahayag ni Keli.

“I saw her every day and noticed that she was always there, but sometimes would leave for a couple of hours then come back. I followed her and she was going to the home where she used to live and the lady’s children would feed her.” Dagdag pa niya.


Tunay nga na hindi pumapayag ang pusa na ito na iwanan ang libingan ng kaniyang amo. Hangga’t maaari ay tila ba nais pa rin niya itong bantayan kahit nga ito ay wala nang buhay ay namamahinga na sa kaniyang huling hantungan.

Hindi lamang pala mga aso ang mga “loyal pets” kung tutuusin dahil mayroon ding mga pusang tulad nito na hanggang sa huling sandali ay nais na maiparamdam sa kaniyang amo na hindi ito kailan man mag-iisa.