Isang pusa na may kakaibang marka sa kaniyang mukha nagdulot ng kaligayahan at aliw sa mga netizens!

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang nahihilig ngayon sa mga pets o mga hayop na inaalagaan sa loob ng ating mga tahanan. Madalas na bumibili tayo o di kaya naman ay nag-aampon ng mga hayop na ito dahil nais nating mayroong makasama sa bahay.


Mayroon din namang iilan na kailangan ng mga pets upang mabawasan ang stress nila sa araw-araw. Para naman sa ilang mga magulang, ang pagbibigay ng mga pets sa kanilang mga anak ay mas nakakatulong upang maging responsable at disiplinado sila.

Noon pa man ay talagang marami nang mga nakakatuwang videos at larawan ng hayop ang madalas nating makita online. Talaga namang nakakatanggal ng stress at kalungkutan ang mga larawan at videos na ito.

Kamakailan lamang ay isang Chinese na babae ang nakakakita sa isang ligaw na pusa. Labis siyang natuwa dito dahil kung titingnan mo siya ng mabuti ay tila ba malungkot o “upset” ang kaniyang hitsura.

Tuwang tuwa man siya sa pusang ito ay hindi niya naman ito magawang maiuwi dahil mayroon na rin siyang inaalagaang pusa sa kanilang bahay. Umani ng mahigit dalawang milyong views ang mga larawan at video na iyon ng pusang ligaw.

Palagi rin namang bumabalik ang babae sa lugar kung saan niya madalas makita ang pusa upang mabigyan ito ng pagkain. Ayon din naman sa ilang pang nauna nang artikulo, ang mga pusa na mayroong kakaibang mga “facial markings” ay kadalasang naaampon kaagad sa mga shelter.

Marami kasi ang talagang nagkakaroon ng interes sa kanila. Tunay nga na nakakatuwang malaman na mayroon pa rin palang mga taong tumutulong sa mga kawawang hayop na ito na walang tahanan at tila inabandona na ng kanilang mga amo.

Marami ding mga pusa na talagang nakilala ng publiko dahil sa kakaiba nilang hitsura tulad na lamang ng “two-faced cat” na tinatawag na Quimera, si Juno na mayroong napaka-cute na buhok. Mayroon ding pusa na mayroong “split-colored face.”