Isang mahusay at madiskarteng Pinoy nakapag-imbento ng isang “cycle-and-spin” washing machine mula sa mga ni-recycle na bagay!

Sa panahon natin ngayon, napakarami nang naging pagbabago pagdating sa pang-araw-araw nating gawain. Hindi na kasing bigat o kasing hirap ng dati kundi mas madali na at mas magaan.

Ito ay dahil na rin sa maraming mga imbensyon ng mga mahuhusay nating imbentor. Hindi rin naman magpapahuli ang mga Pilipino pagdating sa larangan na ito.

Isang mahusay na lalaki mula sa Pilipinas ang nakapag-imbento ng isang nakakamanghang washing machine. Tila pinagsama na kasi ang pag-eehersisyo at ang paglalaba gamit lamang ito!

Sinong magsasabi na kailangan pang pumunta sa gym para lamang makapag-ehersisyo sa ngayon? Lalo na at mayroon pa rin tayong nararanasang pandemya.

Ang mahusay na imbentor nito ay walang iba kundi si Dandy AbdulMalik Vicentino mula sa Davao City sa Mindanao. Maraming mga matatanda ang tiyak na magsasabi na gawang-tamad ang paggamit ng washing machine, lalo na at noong araw ay talagang mano-mano lamang sila kung maglaba ng kanilang mga kasuotan gamit ang kanilang mga kamay at palo-palo sa ilog.

Ngunit sa pagkakataong ito, kakailanganin mo talagang kumilos ng literal upang matapos mo ang iyong labada. Sa ngayon ay marami nang nakatuklas ng balitang ito at wala silang ibang bukambibig kundi napakahusay ng ideyang ito, papuri at pagkamangha ang naging reaksyon ng publiko.


Sa panahon kasi ngayon ay marami na rin ang nakakalimot na mag-ehersisyo para sa kanilang mabuting kalusugan. Ayon sa ilang mga ulat, ang mga “belt” at “pulley” ng washing machine ay gumagana katulad ng paggana ng mga “de kuryenteng” washing machine.

Maaari ding ulitin ang “cycle” ng washing machine upang masigurado ang pagiging malinis ng mga damit. Kung kaya naman nakatipid ka na sa konsumo sa kuryente ay tiyak na makakapagbawas ka pa ng timbang. Wala nang dahilan pa upang hindi ka makapag-ehersisyo, hindi ba?

Tunay nga na napakarami pa ring mga talentadong tao na nakakagawa ng mga nakakabilib na bagay na ito.