Isang lalaki ang halos mahimatay nang makakita siya ng buhok na nakasilip sa isang puntod!

Talaga namang nakakapangilabot ang karanasan na ito ng isang California man nang minsang siyang madaan sa isang “century-old grave”. Mayroon kasing nakasilip na buhok ng tao rito kung kaya naman talagang hindi maiwasang magtaasan ang kaniyang mga balahibo.

Ang TikTok video na ito ay mayroon na kaagad 1.5 million views at 290,000 likes. Ayon sa lalaking nakakita nito na pinangalan bilang si Joel Morrison, noong nakita raw niya ito ay talagang nabigla siya ng husto!

Hindi raw siya sigurado kung totoo raw ba ang nakikita niya sa kaniyang harapan. Ito ay naganap sa Saint Joseph Catholic Cemetery sa Sacramento.

Makalipas pa ang ilang minuto ay nasiguro niyang buhok talaga ng tao ang nakita niyang iyon. Nang humingi siya ng tulong sa kinauukulan at sa tagapangalaga ng naturang sementeryo, naibahagi sa kaniya nito na madalas na raw talaga ang mga ganitong pangyayari sa lugar.

Bagamat nakakalungkot isipin na dapat ay tahimik at payapa na ang mga nahihimlay dito ngunit marami pa rin talagang mga squirrels at iba pang mga hayop ang nagiging dahilan upang mangyari ang mga ganitong klase ng insidente. Marami din namang mga netizens ang nagkomento at nagsabi ng kani-kanilang mga reaksyon patungkol sa nangyari.

Marahil ay mga ugat raw ng puno ang nagtutulak mismo sa mga buhok na ito kung kaya naman parang sumisilip o lumalabas na sila ng mga puntod. Dahil dito ay maaari din daw na ginagawa itong pugad ng ilang mga hayop sa lugar.


Nais pa sanang tuklasin ni Joel ang tungkol sa pangyayaring ito ngunit nang bumalik siya kinabukasan sa lugar ay nawala na ang buhok na naroroon at palagay niya ay itinulak na ito pabalik ng mga caretaker ng naturang sementeryo upang hindi na ito mapag-usapan pa at kumalat sa iba’t-ibang social media platforms. Tunay nga na nakakatakot ang mga ganitong pangyayari ngunit mayroon pa ring iilan sa atin ang talagang nakakaranas nito, hindi ba?