Isang Indonesian at British girl nagpakasal matapos na ma-“love-at-first sight” sa isa’t-isa!

Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga taong iba sa atin. Maaaring iba ng kinalakihan o di kaya naman ay iba ng hitsura kumpara sa atin o iba ng paniniwala at relihiyon.

Ngunit hindi hadlang ang pagkakaiba na ito upang sila ay maging masaya at kuntento sa buhay. Tulad na lamang halimbawa ng isang Indones na ito ay isang British girl na sa kabila ng kanilang pagkakaiba ay talaga namang pinagtagpo at itinadhana.

Marami ang nabighani sa angking kagandahan ng British girl na si Polly Alexandria Robinson mula sa Manchester, England. Siya ay 21 taong gulang nang magdesisyon silang magpakasal ng kaniyang minamahal na si Karna.

Si Karna Radheya ay 26 na taong gulang naman mula sa Indonesia. Maraming mga netizens ang talagang nagkagulo ng makita ang kanilang mga sweet photos online.

Halatang halata kasi ang kayumangging kulay ni Karna habang si Polly naman ay napakaputi at mayroong blonde na buhok. Kung pagmamasdan silang mabuti ay marami talaga silang pagkakaiba.


Ngunit hindi ito kailan man naging hadlang para maiparamdam nila sa isa’t-isa ang tunay nilang nararamdaman. Love at first sight kung ilarawan ng dalawa ang kanilang pag-iibigan.

Makalipas ang ilang beses na pagkikita ay naramdaman nilang sila ay para talaga sa isa’t-isa kung kaya naman agad silang nagpakasal. Kinailangan nga lamang bumalik ni Polly sa United Kingdom kung kaya naman naiwang mag-isa sa Indonesia si Karna.

Marami ang nag-akala na magiging mabigat na pagsubok ito sa kanilang relasyon ngunit mas naging matatag at naging matibay ang relasyon ng mag-asawa sa loob ng isa at kalahating taon na “long distance relationship”.

“This is fate. I never asked for a foreign wife but God has decided that Polly should be my wife and I am truly thankful for this,” komento ni Karna patungkol sa kanilang pag-iibigan. Siya rin ay isang restaurant owner at surf instructor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *