Isang cute na pusa ang kinagigiliwan ng publiko ngayon dahil sa nakalabas nitong dila!

Marami na tayong mga nakita at nabalitaang kakaiba patungkol sa mga hayop sa buong mundo. Hindi lamang mga aso kundi maging mga pusa ay talagang patok na patok din sa publiko.

Nariyan na ang mga sobrang “fluffy” na mga pusa, mayroon din namang may mga kakaibang “birth mark” sa mukha o sa katawan, at ang isang pusang ito na palaging nakalabas ang kaniyang cute na dila. Ito ay isang exotic shorthair cat mula sa Yorkshire.

Nakilala siya ng publiko sa pangalan niyang Ikiru. Gustong-gusto ng kaniyang mga fur parents na sina Rich at Emma ang kakaibang katangian na ito ni Ikiru.

Ang pagkakaroon ng dila na palaging nakalabas. Nang minsan silang nagbahagi ng kaniyang mga larawan online ay talagang pinagkaguluhan ito dahil sa nakakatuwa niyang “facial expressions”.

Ayon kina Rich at Emma, wala naman daw karamdaman si Ikiru. Siya ay malakas at malusog.

Maging ang kaniyang mga ngipin ay wala ring problema. Binigyang-linaw din nila na masayahin at talagang maliksi ang kanilang alagang pusa. Sa isang “breeder’s website” nila natagpuan si Ikiru at nang makita nila ito ay talagang ginusto na nila siyang bilhin at alagaan.

Nang maging maayos na ang lahat at naiuwi na nila ito ay agad nila siyang ginawan ng isang Instagram account at dito na nga dumami ng dumami ang kaniyang mga followers. Maliban sa kaniyang nakakatuwang hitsura dahil sa palaging nakalabas niyang dila, napansin din ng kaniyang mga amo na mayroong pagka-moody ang kanilang alaga tulad rin ng ibang mga pusa.

Tunay ngang nakakatuwang makakita ng ganitong klase ng pusa. Mapalad din siya dahil mayroon siyang mapag-alagang mga amo na talaga namang mahal na mahal siya.

Marami din siyang napapasaya na mga tao sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa kaniyang mga larawan online. Hindi na rin nakapagtataka na hanggang ngayon ay parami pa rin ng parami ang kaniyang mga tagasubaybay.